Posts

Discernment: Bakit ito mahalaga sa akin?

Bakit?Bakit kailangan ng ganito? Bakit hindi nalang sunggabin ang buhay kung paano siya ngyon at kung saan man tangayin? Bakit kailangang pakomplikaduhin ang simpleng pagtawid sa bawat araw at gabi? Sa taong kilala bilang mapusok at walang sinusukuan, kakaibang marinig ito sa akin. Naalala ko nung kasagsagan ng aking katapangan ang motto ko sa buhay, "what Ekai wants, Ekai gets." Sa lahat ng aspeto ko ito ginagamit--pag-aaral, luho, kaibigan, organisasyon, pamilya kahit sa buhay pag-ibig. Masasabi ko namang madalas ganun nga ang nangyayari. Dahil sa lahat nalang ng gusto ko nakukuha ko, marami sa mga pananaw ko ang nagbago. Andito ako sa sitwasyong isinubo ko ang sarili ko sa malaking lundag. Siguro'y magdadalawang taon na rin. Sa tingin ko noong mga panahong iyon, iyon ang tanging solusyon para pagtakpan ang mga kasablayan ko sa buhay. Ngayon, nandito ako sa puntong tinatanong ko sa sarili kong tama ba? tama pa ba? o mali naman sa simula pa lang? Samahan nyo ako s...

Una

Unang araw ng Agosto ng 2014. Unang post ko sa taon ding ito. Ayokong simulan ng hindi maganda ang una dahil malas daw yun. Kailangan laging good vibes kaya bukas nalang ako maghihimutok dahil siguro naman pwede nang maghalo ng kakarampot na bad vibes di ba?hahaha. Dahil usapan ito ng una, naisip kong magsulat nalang tungkol sa aking mga una: Unang araw ko sa San Pablo.Lumagpas pa ako. Eh dapat sa SM ako bababa, sa Medical ako naibaba ng bus na inaway ko pa na naaway din ako ng kikitain ko dahil lagpas ako at medyo malayo na ang aking binabaan. Unang beses kong makita si Jio. sobrang ginhawa at saya kasi ang lusog lusog nya kaya lang ang sakit talaga ng hiwa ng doktor kaya ayun sinaksakan pa rin ako ng pampatulog. Unang pagkikita namin ni Rusty. hindi ako na-love at first sight. hahaha. Unang beses ko ay hindi sa taong minamahal ko kundi sa taong mamahalin ko pala. Akala ko di na yun mauulit eh wala eh iba pala ang kamandag ko.Yun nga lang di sya happy ending. Unang pagka...

When is enough is enough?

When can you say that enough is enough? They always say that at times when you are at the verge of giving up, help comes your way. It could be a eureka for you in solving your challenge. It could be a lending hand of a loved one. It could even be a divine help. I am on this point of my life that I am about to give up towards the challenges of work. Am I going somewhere? Am I doing it right? Am I looking at the right direction? I am on this point of my life that I am afraid to answer those questions too. In God's time through God's grace, this too shall pass... and by that time I will have the answer to that question. But wait, I think I know already the answer. Enough never comes till you convince yourself that it is. And you know, enough has not yet come to me.

Tao nga naman..

Napakadali para sa ating humusga. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, dahil na rin sa kaakibat na emosyon ng bawat sitwasyong nangyayari sa ating buhay. Ilang beses na akong nakapanghusga.Manood nga lang ako ng TV andami ko nang nahusgahan. Hindi ko man alam ang tunay na pangyayaring nakapaloob sa bawat balita, nanggagalaiti na ako sa inis. Isang magandang halimabawa ay dito sa aking tinitirhan na boarding house. Merong babae rito na tinatawag ng isa sa amin Alta Gracia. Madalas daw kasi kung sino-sino ang kasama nyang lalaki. Halo-halo ang nakatira rito.May puro babae, puro lalaki at pamilya sa iba't ibang kuwarto. Ang masaklap nito, nakita si Gym (tawag din sa kanya dahil nagtatrabaho sya roon) na lumabas sa kanyang kuwarto kasama ang isa sa mga onting lalaking nakatira dito. Mas masaklap nito ay yung mismong may-ari ang nakakita. Simula noon, lagi na lamang sya ang pinag-uusapan.Lagi na lamang sya ang laman ng mga usap-usapan. Minsan, naiinis ako sa kanya. Madalas, naaawa. Naiisip...

Dear My Little Angel,

I know this is painful but I am giving up on you. I love you more than anything in this world. You and Jio are my two lovely boys that brought meaning to my life. I remember the first time I knew that you exist, it's a bliss. After several years, I feel that I don't know you and you don't know me, as well. You are afraid to get near me. You don't even give me a chance to love you. I know this is stupid but I have accepted my defeat. I will never expect that you would cuddle me the way Jio does. I know that if you lose me, you wouldn't bother to look or run after me. It's very difficult but I now surrender. They can give all that you want and need. They take care of you as if you are theirs. And I don't have anything but gratitude for they have loved you more than I thought they will. I am letting you go. I'll give up this fight, for now. But once you need me, I will wrap my arms around you and carry you through. You may not read this anytime soon at lea...

Simula

Ako pa rin si Erika Joy. Palayaw ko pa rin ay Ekai o Joy. Nakatira pa rin ako sa Cainta, Rizal. Ang mga magulang ko pa rin ay sina Erik at Beth. Mga kapatid ko pa rin sila Mark, Bai, Doodz at Babes. Pinanganak pa rin ako noong taong 1987. Pero marami nang nagbago. Hindi na ako barbera .