Posts

Saloobin 1

Dear Blog, Alam mo naman kung bakit ako nandito di ba? As usual, gagamitin ulit kita para maglabas ng mga hinaing ko. Gusto ko lang sabihin sayong nasasaktan ako ngayon. sobra. Minsan hindi ko alam kung dahil sa ginawa nyang sakit o dahil sa pagyakap ko dun sa sakit. Andami-daming gumugulo sa isip ko ngayon. Gusto ko na lang makapag-isip ng ako nalang. Sobra na ba talaga ako? Pero kung tutuusin,di ba sya naman ang sobra. Gabi-gabi ko nalang tinatanong sa sarili ko, kung kaya ko pa.. May mga gabi na oo ang sagot. Mayroon din namang hindi na. Nakakatawa nalang isipin kung gaano iningatang huwag mong masaktan yung taong pinakamamahal mo, ganun naman sya kawalang pakialam na saktan ka. Ganun ba yun, kapag inalisan mo ng lisensya ang sarili mong saktan sya, nagkakaroon sya ng instant karapatang saktan ka naman? Ayoko na nung sakit. Gusto ko nalang matulog nang matulog nang matulog. Yung tipong papawiin ng himbing lahat ng sakit sa puso at isip. Dadalhin nalang ako sa mundo ng mga pan...

Sa Mundong Nilikha Natin

Sa mundong nilikha natin Sa mundong kasing aliwalas ng tagsibol ang panahon, nagsisibukadkaran ang mga bulaklak at nasisiliparan ang mga paruparo Sa mundong nagliliwanag ang gabi dahil sa libu-libong nagkikislapang mga bituing pumapalibot sa mayabang na pagkinang ng buwan na tila hindi nanghiram ng ningning sa araw Sa mundong walang puwang ang kalungkutan kung saan umaalingawngaw ang ating tawanan na tanging bumabasag sa katahimikan ng matatamis nating pagpapalitan ng ngitian Sa mundong malaya nating napagsisigawan ang ating pagmamahalan kasabay ng pagbabahaginan ng matatayog nating pangarap sa isang hinaharap na tayong dalawa ang magkatuwang Sa mundong nilikha natin Sa mundong nilikha para sa atin lamang Sa mundong nilikha lamang Sa ganda ng ating nilikhang mundo Naisip ko bakit hindi ko pag-isahin ang mundong meron ako at mundong meron tayo Gawin kang tunay na tauhan sa buhay ko Ipakilala ka sa iba pang mga pangunahing tauhan gaya ng sa totoong kuwento Dahil para sa akin...

Para sa babaeng nanakit sa kanya,

Kagabi, muli kaming nag-away. Hindi dahil sayo, wag assumera. Dahil sa away na iyon nakita ko yung lalim ng sugat na naidulot mo sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit ako sumulat. Hindi ako papakaipokrita kasi may mga kasablayan din naman ako gaya mo. Hindi ko lang maintindihan kung saan mo kinukuha ang lakas ng loob mong magpanggap na ayos lang ang lahat sa kabila ng pagdurog mo sa kanya. Hindi ko maintindihan kung saan mo nahuhugot yung pag-asta mong magkaibigan kayo pagkatapos mong iwan syang gulong gulo. Alam mo, may napagtanto ako. Tayong mga babae sa anumang hiwalayan, higit na mas matatag at mas mabilis makabawi. Tayong mga babae, akala natin walang impact yung mga heartbreaks na nadudulot natin sa mga lalaki. Ngayon napatunayan ko na. Hindi dahil mahal ka pa nya kung hindi dahil patuloy siyang hinahabol ng magaganda at masasasama nyong alaala. Sa mga magagandang alaala nyo, naaalala nya lahat ng panghihinayang sa mga inilaan nya para sa iyo. Sa mga mapapait, sinugat sya nito...

Ako naman

Life - 1 Me - 1 Hindi na kita palalamangin.

Strike 1

Life, Best of Three tayo. Ngayon, napuno mo ako. Naitulak sa dulo. Nakaisa ka na sa akin. Life - 1 Me - 0

Mahal kong puso

Mahal kong puso, Ang sakit ng pagtibok mo ngayon. Sa bigat nito, dumadagundong sa puso ko. Masakit pero gusto ko munang tiisin. Lahat ng posibleng gugulo sa aking isip. Kasi ganito yan, puso. Nagmamahal ka eh. Sa kung anumang paraan at uri. Nagmamahal ka. Ang problema mo, puso, masyado kang nagpapadala sa dikta ng isip mong may trauma na sa mga kabiguan mo. Masyado kang nagpapadala sa magulo mong emosyon. Kaya mahal kong puso, kumalma ka muna. Kausapin mo rin ang kapatid mong si utak. Pag-usapan nyo nang maigi kung saan ba kayo papunta. Sa ikadudurog ng damdamin o sa ikasasakit ng ulo? Sa ikabubuti ng pakiramdam o sa ikatatahimik ng isip? Mahal kong puso, baka hindi mo kailangang mali. Ang kailangan mo lamang ay patuloy na tumibok. Patuloy kang magbigay ng buhay gaano man kabigat ang pagdagundong mo. Patuloy kang tumibok nang dumaloy nang tuloy-tuloy ang dugo. Malay mo, umabot ito sa taong mahal mo. Malay mo lang.

Lonely

Hi Blog. Oh alam mo na kung bakit ako nandito di ba? Alam mo namang sa mga panahong sobrang lungkot ko, ikaw ang takbuhan ko. Aaminin ko, ginagamit lang kita lagi. Sa totoo lang, walang nakakaintindi kung gaano ako kalungkot ngayon. Yung nakakapanghinang lungkot. Yung sa sobrang lungkot gusto ko nalang hindi na magising. Siguro, may dalawang linggo ko nang hinihiling yun. Alam mo yung pakiramdam na mahal ka nila kasi may pakinabang ka. Mahal ka nila kasi may silbi ka. Haha. Parag tanga lang. Nahuhuli ko yung sarili kong tinitimbang ba kung sulit na maluklok sa pinakadulo ng impiyernong nag-iisa dahil sa pagpapakamatay kaysa habang nabubuhay ka para kang araw-araw pinapatay yung diwa ng natitira kong pag-asa at pagmamahal sa sarili. Minsan lumamang yung pagnanais na mag isa nalang ako.. Sa gitna ng kalaliman ng kalungkutang ito. Kapag nawala kaya ako, maiiyak sila? o Patuloy nila akong sisisihin. Patuloy nila akong pupunahin. O dun nalang nila makikita mga kabutihang nagawa ko (k...