Posts

Saloobin 4

Tama na po. Ang sakit sakit na... Gusto ko nang matapos lahat ng sakit. Malapit ko nang sukuan ang lahat. Sana bumalik ako sa post na ito at tawanan ang sarili ko dahil nalagpasan ko ang araw na ito. Sana dumating yung panahong maayos na ang lahat. Baby, kapit ka lang.. Sa dami mong pinagdaanang emosyon kasama ako, di tayo mag iiwanan. Mahal na mahal kita.

Bakit?

Bakit parang utang natin sa mundo ang maging masaya na ang kabayaran ay walang katapusang luha? Bakit parang kelangan natin bayaran ang araw ng kadiliman kapalit ang liwanag nya sa umaga? Bakit parang kasalanan natin ang pagbuhos ng ulan sa pagngangalit ng langit dahil sa nilasap natin ang mga maaliwalas na panahon? Bakit parang kailangan nating namnamin ang bawat sakit na tumatarak sa dibdib kahit pilit itong kinukubli ng isip? Marahil.. Hindi kasi natin ito ikamamatay kahit gaanong pasakit ang ating aabutin. Bagkus, pagtitibayin tayo ng madilim at galit na langit, patatatagin sa paniningil ng araw at mundo at palalambutin ang nagmamatigas nating mga puso. Sapat para masaksihan at mapagtantong hindi pa tapos ang lahat.. ---- Unang beses kong sumulat ng tula para sa karanasan ng isang kaibigan. Efren, kapit ka lang. Napakabuti mong bata. Hindi ka pababayaan ng May Kapal. :-)

Saloobin 3

Hi November! Eto yung post, sa tagal-tagal ng panahong hindi ako pumunta sayo para maglabas ng hinaing sa sobrang bigat ng dibdib o kaya dahil wala akong mapagsidlan ng sobrang kasiyahan. Eto yung post, sakto lang ang lahat. Walang lungkot wala ring saya. Neutral. Walang pakiramdam ng pagdadamot, wala rin namag pakiramdam ng pagpaparaya. Wala talaga. Minsan napapaisip ako, nasan na ba talaga ang puso ko ngayon? Sa panahong ito, tahimik ang aking diwa. Walang bumubulabog. Walang magulong pag iisip. Katahimikan lang. Hindi naghahanap at hindi rin nagpapabaya. Sa kasalukuyan, nasa ground zero ako. Walang nahuhukay at wala ring naitatayo. Sa panahong ito, nagtatanim ako. Nagtatanim ako ng mga punlang pagmamahal na nakaugat sa pagmamahal sa sarili. Sana sa pag usbong nito, mas maging matatag ako para magkaroon ng kapasidad na magmahal nang buo--hindi lalabis at hindi rin magkukulang. PS. Salamat, Paulo Cuelho. Sa mga magaganda mong akda. Ang "The Zahir" ang nagpapanati...

Saloobin 2

Andito ako sa puntong wala eh.. durog na talaga.. yung pinagpatchi patchi ko para mabuo hindi na kinaya..Isang pangyayari lang makapagpaalala di ko kayang hindi maapektuhan. Hindi talaga ako martir. Lahat ng hindi ko masabi sayo, dito ko ilalabas. Kung sayo mababaw lang at tapos na yun. Yun din ang akala ko. Yun din yung gusto kong panghawakan kaso hindi yun yung nararamdaman ko. 1. Kapalit-palit ako. Siguro yun na yun. Kagaya nila dahil eto lang naman ako, aminado akong kapalit palit talaga ako. Pero kahit gaano kasakit, madali naman akong kausap. Sana bago mo ako piniling saktan, sinabi mo nalang na gusto mo na talaga akong palitan kasi hindi na masaya.. kasi hindi na gaya ng dati.. 2. Ang gago ko. Kasi nagpadurog ako ng ganito. Ang hirap bumangon sa totoo lang.. Ang hirap talaga. Pinasakay mo ako sa mga wala mong lamang pangako. Dinala mo ako sa mga kunwari mong kongkretong plano para sa atin at magiging anak natin. At sa lahat ng yun, naniwala ako. Hindi ko alam kung san ba...

Saloobin 1

Dear Blog, Alam mo naman kung bakit ako nandito di ba? As usual, gagamitin ulit kita para maglabas ng mga hinaing ko. Gusto ko lang sabihin sayong nasasaktan ako ngayon. sobra. Minsan hindi ko alam kung dahil sa ginawa nyang sakit o dahil sa pagyakap ko dun sa sakit. Andami-daming gumugulo sa isip ko ngayon. Gusto ko na lang makapag-isip ng ako nalang. Sobra na ba talaga ako? Pero kung tutuusin,di ba sya naman ang sobra. Gabi-gabi ko nalang tinatanong sa sarili ko, kung kaya ko pa.. May mga gabi na oo ang sagot. Mayroon din namang hindi na. Nakakatawa nalang isipin kung gaano iningatang huwag mong masaktan yung taong pinakamamahal mo, ganun naman sya kawalang pakialam na saktan ka. Ganun ba yun, kapag inalisan mo ng lisensya ang sarili mong saktan sya, nagkakaroon sya ng instant karapatang saktan ka naman? Ayoko na nung sakit. Gusto ko nalang matulog nang matulog nang matulog. Yung tipong papawiin ng himbing lahat ng sakit sa puso at isip. Dadalhin nalang ako sa mundo ng mga pan...

Sa Mundong Nilikha Natin

Sa mundong nilikha natin Sa mundong kasing aliwalas ng tagsibol ang panahon, nagsisibukadkaran ang mga bulaklak at nasisiliparan ang mga paruparo Sa mundong nagliliwanag ang gabi dahil sa libu-libong nagkikislapang mga bituing pumapalibot sa mayabang na pagkinang ng buwan na tila hindi nanghiram ng ningning sa araw Sa mundong walang puwang ang kalungkutan kung saan umaalingawngaw ang ating tawanan na tanging bumabasag sa katahimikan ng matatamis nating pagpapalitan ng ngitian Sa mundong malaya nating napagsisigawan ang ating pagmamahalan kasabay ng pagbabahaginan ng matatayog nating pangarap sa isang hinaharap na tayong dalawa ang magkatuwang Sa mundong nilikha natin Sa mundong nilikha para sa atin lamang Sa mundong nilikha lamang Sa ganda ng ating nilikhang mundo Naisip ko bakit hindi ko pag-isahin ang mundong meron ako at mundong meron tayo Gawin kang tunay na tauhan sa buhay ko Ipakilala ka sa iba pang mga pangunahing tauhan gaya ng sa totoong kuwento Dahil para sa akin...

Para sa babaeng nanakit sa kanya,

Kagabi, muli kaming nag-away. Hindi dahil sayo, wag assumera. Dahil sa away na iyon nakita ko yung lalim ng sugat na naidulot mo sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit ako sumulat. Hindi ako papakaipokrita kasi may mga kasablayan din naman ako gaya mo. Hindi ko lang maintindihan kung saan mo kinukuha ang lakas ng loob mong magpanggap na ayos lang ang lahat sa kabila ng pagdurog mo sa kanya. Hindi ko maintindihan kung saan mo nahuhugot yung pag-asta mong magkaibigan kayo pagkatapos mong iwan syang gulong gulo. Alam mo, may napagtanto ako. Tayong mga babae sa anumang hiwalayan, higit na mas matatag at mas mabilis makabawi. Tayong mga babae, akala natin walang impact yung mga heartbreaks na nadudulot natin sa mga lalaki. Ngayon napatunayan ko na. Hindi dahil mahal ka pa nya kung hindi dahil patuloy siyang hinahabol ng magaganda at masasasama nyong alaala. Sa mga magagandang alaala nyo, naaalala nya lahat ng panghihinayang sa mga inilaan nya para sa iyo. Sa mga mapapait, sinugat sya nito...