Posts

Saloobin 1

Will start a new and let bygones be bygones. 2017 is such a tough year but the best thing that happened to me is conceiving my Jiren. You are such one tough baby inside mommy's tummy. Braving all the heartaches Mimi has to endure. I love you in all the ways I can. As the priest said, For the Past, give thanks to the Lord For the Present, remain faithful to His words For the Future, let God take command 2018 is such an intriguing year for me as I know it has lots of surprises instore for me and our family. Please God conquer my life, my thoughts and actions.

Saloobin 16

Death. What if I die soon? Death is inevitable. Lahat naman tayo dun papunta. Kaya kelangan handa. I am in pain now.  Usually, death comes with pain. Kaya ko siguro naisip sumulat tungkol dito. Plus 2017 will die today. Good thing about dying year, it dies with all the heartaches and nightmares. Going back, kapag namatay ako, tatlong action plans lang. 1. Si Jiren mapunta sa tatay nya. Sana alagan at mahalin syang mabuti. 2. Si Jio kay Tito Doods. Sorry sa hassle, Tito. Pero sayo ko lang mapagkakatiwala siya. 3. Ilibing ako sa San Pablo. Gusto ko ring humingi ng tawad sa tatlo: 1. Una, sa Panginoon. Napakasama kong anak sa kabila ng lahat ng biyayang binigay Nyo po sa akin. 2. Pangalawa, sa mga magulang kong lubos kong nasaktan 3. Pangatlo, sa sarili ko para sa lahat ng kabiguan. Sa lahat ng mga nagbigay ng tunay na pagmamahal at pagkakaibigan, Maraming maraming salamat. Sa sobrang dami nyo, di ko kayo maiisa-isa. Sa aking mga anak, lalo na sayo Jiren, kung mawa

Saloobin 15

Lord, take this cup away from me. But Your will, not mine, be done.

Of Trust and Love

Kagabi,sumuko na yung pumatay dun sa mag-inang nakatira sa Cavite. Apparently, kabit sya nung babae. Si mister nasa ibang bansa at nagtatrabaho, umuwi nitong December. Bago makauwi, nangyari ang karumaldumal na pangyayari. Pinakita sa balita ang palitan nila ng mga sweet messages, mga malalambing na pictures kasama pa pati anak niya. Sobrang nakakalungkot. Hindi na para sisihin ang babae dahil tingin ko, nangyari na yung pinakamalalang consequence sa pagtataksil nya sa kanyang asawa. Tumatak sa akin yung sinabi ng mister nya na araw-araw silang mangkausap at nagpapalitan ng I love you sa isa't isa kaya hindi nya pinaghinalaang may kalaguyo ang asawa nya. Sana makahanap na ng peace of mind si Kuya at napakasakit ng nangyari sa kanya. Nakakarelate ako sa sitwasyon nila.Pero hindi ko man lang naisip kahit kailan na ipagpalit ang asawa kong subsob sa trabaho para sa amin tapos manlalalaki lang ako.. Yung magiging ka-close pa ng anak namin? Ayokong magsalita ng tapos pero kung mah

Saloobin 14

Image
It's been a while, blog. Gusto kong sabihin sayo na God answers our prayers. Niregaluhan ako ng pinakamamahal kong lalaki ng relo. Napakaganda nya. Kumikinang at bagay sa aking kamay. (Feeling ko.hahaha) Higit sa ganda ng relo, pinakamagandang regalo nya sa akin ay KANYANG ORAS. Naramdaman ko yung pagmamahal nya sa akin sa maraming pagkakataong kasama ko sya. Yung hindi hati ang oras nya para sa ibang bagay. Naka-focus sya sa amin nila baby. Isang paalala rin ang relo nang kanyang katapatan SA LAHAT NG ORAS. Maaaring maraming magaganda at sexy dyan, ano laban ng 7-month preggy dun. Pero ang makamundong pangangati, mairaraos yan ng wala pang limang minuto. Worth it ba yun para isakripisyo pagmamahalan at katapatan sa isa't isa? Mas ayos na akong gawin yung mga bagay na yun sa taong mahal ko dahil mapapanatag akong wala akong sinasaktang tao dahil sa pagiging makasarili. Napakahalaga sa aking ng relo na yun pero higit sa lahat napakahalaga sa akin ng bawat oras na an

Saloobin 13

The closer it gets, the thinner the chances. Di na po ako nag-eexpect. Describing my life now in one word? D I S A P P O I N T M E N T I am so disappointed with myself and with the choices I make.

Saloobin 12

Habang ang tingin ng buong mundo, masayahin kang tao kasi pala-tawa ka at pala-ngiti. Halos lahat nagiging kagaanan mo ng loob, ang hindi nila alam ang laki ng puwang sa iyong puso. Dahil sa mga panahong gusto mo sanang kasama ang iyong pamilya, nakatalikod sila sayo. Habang tingin nilang lahat, ang tatag tatag mong tao, hindi nila alam sobrang bugbog na ang isip at puso mo. Naghuhumiyaw na nang tama na. Walang handang makinig. Kung meron man, walang nakakaintindi ng sakit at takot na bumabalot sayo. Unti-unti kang pinapatay. Napakasaklap. Habang tingin nila ay napakagaling mo sa halos lahat ng bagay, hindi nila alam na ang bawat umaga pagmulat mo ay mahaba-habang pagkumbinsi sa sariling higit ka sa basurang pakiramdam mo--madumi at kailangan nang idispatcha. Habang himbing ang lahat dahil malaki ang kumpiyansa ng magandang bukas, eto ka nangangambang baka eto na ang huling gabi. Ako iyan. Pero nung nakita ko sa monitor ang mukha mo anak, payapa at himbing. Sa kabila ng dami