Habang ang tingin ng buong mundo, masayahin kang tao kasi pala-tawa ka at pala-ngiti. Halos lahat nagiging kagaanan mo ng loob, ang hindi nila alam ang laki ng puwang sa iyong puso. Dahil sa mga panahong gusto mo sanang kasama ang iyong pamilya, nakatalikod sila sayo. Habang tingin nilang lahat, ang tatag tatag mong tao, hindi nila alam sobrang bugbog na ang isip at puso mo. Naghuhumiyaw na nang tama na. Walang handang makinig. Kung meron man, walang nakakaintindi ng sakit at takot na bumabalot sayo. Unti-unti kang pinapatay. Napakasaklap. Habang tingin nila ay napakagaling mo sa halos lahat ng bagay, hindi nila alam na ang bawat umaga pagmulat mo ay mahaba-habang pagkumbinsi sa sariling higit ka sa basurang pakiramdam mo--madumi at kailangan nang idispatcha. Habang himbing ang lahat dahil malaki ang kumpiyansa ng magandang bukas, eto ka nangangambang baka eto na ang huling gabi. Ako iyan. Pero nung nakita ko sa monitor ang mukha mo anak, payapa at himbing. Sa kabila ng dami
Comments
Post a Comment