Grabeng sakit ng ulo ko! Kahit ganun, masaya pa rin akong kasama sila. Limang mucho. Dalawang lalaking mahalaga sa akin. Walang katapusang kuwentuhan, tawanan at dramahan. Josh, alam ko mababasa mo ito. Advanced Happy Happy birthday. Salamat sa mga libreng makeup, plantsa, etc. etc. Salamat sa pagtitiwala sa akin. Salamat sa pagpapasok sa akin sa 'very exclusive' personal circle mo. Lagi mong tandaang andito ako para sa iyo. Alam mo namang ikaw ang aking Barbs in San Pablo. Kung anumang pinagdadaanan mo, wag tatambayan ha? Hubs, di ko sure kung mababasa mo ito. Comment ka ha para alam ko.Hahahaha. Salamat sa pagiging andyan palagi lalo na sa pagpunta dahil sa pagdrama ko na super stressed ako. Pero totoo yun. Nung nakita kita sa labas ng pinto napawi ang lahat ng isipin ko. Akala ko yakapsule at kisspirin mo ang sagot, grabe, ngiti mo pa lang pala. Sana ganyan ka palagi. "Tsalamat tsa lahat ng contsern at love mo tsa akin." (sa tono nung nasa Hunter X Hunter) ...