Habang ang tingin ng buong mundo, masayahin kang tao kasi pala-tawa ka at pala-ngiti. Halos lahat nagiging kagaanan mo ng loob, ang hindi nila alam ang laki ng puwang sa iyong puso. Dahil sa mga panahong gusto mo sanang kasama ang iyong pamilya, nakatalikod sila sayo. Habang tingin nilang lahat, ang tatag tatag mong tao, hindi nila alam sobrang bugbog na ang isip at puso mo. Naghuhumiyaw na nang tama na. Walang handang makinig. Kung meron man, walang nakakaintindi ng sakit at takot na bumabalot sayo. Unti-unti kang pinapatay. Napakasaklap. Habang tingin nila ay napakagaling mo sa halos lahat ng bagay, hindi nila alam na ang bawat umaga pagmulat mo ay mahaba-habang pagkumbinsi sa sariling higit ka sa basurang pakiramdam mo--madumi at kailangan nang idispatcha. Habang himbing ang lahat dahil malaki ang kumpiyansa ng magandang bukas, eto ka nangangambang baka eto na ang huling gabi. Ako iyan. Pero nung nakita ko sa monitor ang mukha mo anak, payapa at himbing. Sa kabila ng dami ...
Unang araw ng Agosto ng 2014. Unang post ko sa taon ding ito. Ayokong simulan ng hindi maganda ang una dahil malas daw yun. Kailangan laging good vibes kaya bukas nalang ako maghihimutok dahil siguro naman pwede nang maghalo ng kakarampot na bad vibes di ba?hahaha. Dahil usapan ito ng una, naisip kong magsulat nalang tungkol sa aking mga una: Unang araw ko sa San Pablo.Lumagpas pa ako. Eh dapat sa SM ako bababa, sa Medical ako naibaba ng bus na inaway ko pa na naaway din ako ng kikitain ko dahil lagpas ako at medyo malayo na ang aking binabaan. Unang beses kong makita si Jio. sobrang ginhawa at saya kasi ang lusog lusog nya kaya lang ang sakit talaga ng hiwa ng doktor kaya ayun sinaksakan pa rin ako ng pampatulog. Unang pagkikita namin ni Rusty. hindi ako na-love at first sight. hahaha. Unang beses ko ay hindi sa taong minamahal ko kundi sa taong mamahalin ko pala. Akala ko di na yun mauulit eh wala eh iba pala ang kamandag ko.Yun nga lang di sya happy ending. Unang pagka...
Di ko akalaing andito ulit ako sa punto ng paghihintay. Nag aabang ulit para mapuyat at magbantay. At habang naghihintay, lumulobo ang tiyan, nanakit ang likuran at nangangalay ang buong katawan. Iba talaga ang instinct ng isang ina. Malakas talaga ang pakiramdam ko kung ano ang kasarian nya. Sobrang in denial lang. hahaha. Magaling talaga ang Panginoon. Binigyan nya kami ng lalaki kasi ganun yung nature of work ng daddy nya. Iba kasi kapag babae ang anak, kelangan talaga andyan palagi ang tatay para iparamdam ang security niya. At danas ko yan. Baby, gaya nga ng sabi ko sayo palagi, mapa-girl o boy ka man, lumabas kang normal and healthy, masaya na ako. Mahal na mahal kita. Kahit madalas nasa site si daddy, aalagaan kita nang mabuti. Kayo ni kuya Jio. Nilalakasan ko ang loob ko pero sa totoo lang, natatakot ako. Di biro ang manganak. Sana po Panginoon, huwag Nyo po kaming pababayaang mag-anak.
Comments
Post a Comment