Divine Initiatives

Ano kaya talaga ang plano ng Diyos sa akin?

Pangalawang araw ng simbang gabi. Tumatak talaga sa akin yung divine initiative.

Madalas, akala natin yung nangyayari sa atin ay kagustuhan natin pero ang katunayan laging may nais si Lord.

Nung isang araw, naisip ko bakit lagi na lang ako nasasaktan. Sabi nila kapag paulit-ulit na nagyayari sayo, malamang sayo na yung may problema o pagkukulang. Antagal naming nagsama ni Rusty, matagal-tagal din kami ni Kel tapos ngayon yung sa amin ni Erwin. Yung naramdaman kong heartache patindi-tindi nang patindi. At kapag nasasaktan na ako, napapansin kong may malaki at mataas akong pader na ginagawa.

Matapos akong lokohin ni Rusty, isang taon pa bago kami naghiwalay. Kinailangan ko pa ng isang Kel para makawala kasi iniisip ko, wala nang lalaking darating. Yung sa amin ni Kel, ganun din. Verbal abuse naman, nahuli kong lumalabas kasama ng ibang babae, malalanding chat exchanges. Wala na rin talaga pero di ko hiniwalayan kaagad. Ilang buwan pa ang nakalipas, nagkalakas ng loob lang ako nung dumating si Erwin.

Si Erwin kasi iba sa lahat kasi sa kanya lang ako nagbukas ng buong buhay ko. Sa kanya ko lang nilatag lahat ng baraha ko. Hindi ko lang sya mahal, turing ko sa kanya matalik ko ring kaibigan. Kaya kapag nakakagawa sya ng mali, grabe yung sakit sa akin. Parang nakakamatay.

Sa totoo lang, yung pagmamahal ko sa kanya di nauubos. Nahahadlangan man ng mataas at malaking pader, hindi naman ito natatapos. Siya yung lalaking nakikita ko nang malinaw sa aking hinaharap. Wala nang iba. Ni hindi ko nagagawang lumingon at makipagkaibigan sa ibang lalaki. Ni hindi ako nag-eentertain kahit may mga nagtangka.

Mahal ko talaga sya. Hindi dahil sa takot akong mag-isa. Mahal ko talaga sya kasi sya yung pinagkaloob sa akin. Hindi ko naiimagine na paaabutin ko sya sa punto ng pagmamakaawa sa akin ni Rusty at Kel. Dahil sa kabila ng maraming sakit, ayoko syang saktan.

Balik tayo sa Divine Initiatives. Nakita ko kung paano kumilos ang Panginoon sa aming dalawa. Nakikita ko yung mga mensahe Nya para sa amin. Kung paanong hindi kami nahuli sa oras ng pag-uwi, kung paano tumitila ang ulan pagnagkikita kami, kung paano nangyayari ang mga interventions para hindi sya tuluyang magkasala.

Dahil lagi akong hindi handang makipagkilala sa pamilya nya,naging daan pa yung pagkaka-opera nya nang biglaan para makilala ko Mama at mga kapatid nya. Kung paano hindi ibinigay ng Diyos agad-agad ang job opportunity sa kanya nung panahong nagloloko sya pero pagkatapos lang nun parang isang kisapmata andyan na agad yunb trabaho. Kung paano pina-settle muna sya sa trabahong kaya kami itaguyod bago hindi kami naging ayos ng aking Papa. Lahat ng ito, nakikita kong pagkilos ng Diyos sa amin.

Siguro ang sasabihin ng Diyos sa akin, "Ayun naman pala, Erika. Bakit ka pa nagdududa?"

Hindi talaga tungkol dito ang isusulat ko. Career plans sana at koneksyon sa Divine Initiatives pero di ko alam bakit dito nauwi itong post na ito. Ang malinaw sa akin, sa mga nakaraan kaya hindi nagiging matagumpay dahil yun ay mga kagustuhan ko lamang kaya kahit anong pilit, hindi magwo-work. Hindi gaya ngayon, may basbas mula sa itaas.

Kaya Panginoon, gabayan Nyo po kami palagi at ilagay namin Kayo sa sentro ng aming relasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12