I love you

Disclaimer: hindi ito post na profession of love. Hindi sweet o anything. Isa itong rant.


"Huwag kang magsabi ng I love you kung napipilitan ka lang."

Excuse me lang po ha. Nung unang beses na sinabi kong mahal kita. Mahal talaga kita. Walang halong pilit at pagpapanggap.

Nung sinabi kong mahal kita. Buong puso yun. Hindi ako huminto sa salita kasi sinamahan ko yun ng gawa. Binuhos ko ang sarili ko sayo.

At sa mga panahong ang hirap mo nang mahalin, mahal pa rin kita. Sa kabila ng lahat ng sama ng loob at sakit, mahal pa rin kita. Sa gitna ng pagkatakot at agam-agam, mahal pa rin kita.

Kasi, alam mo, higit sa salita, mas mahalaga ang gawa. Kahit pakiramdam mong napilitan akong sabihin yun, boses ko lang yun.

Siguro, may karapatan naman akong mainis. May karapatan akong magalit kasi sa pinakamatamis mo man sinabi, sinasabi at sabihin ang I love you mo, hindi man tunog napipilitan, naging totoo ka ba sa mga salita mo?

Sabi nga sa kantang More Than Words,

"More than words is all you have to do to make me feel. Then you wouldn't have to say that you love me, coz I already know."

Kung mahal mo nga talaga ako higit sa salita?
Hindi ko masigurado pa. Sana lamamangan mo nang gawa kung totoo mang mahal mo nga ako."

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12