Saloobin 5
Nakakapagod nang umiyak, blog.
Nakakapagod humingi ng tawad para sa kasalanang hindi ko ginawa.
Nakakapagod nang patuloy na patunayan ang sariling hindi mo kayang magloko.
Sabi ko sa sarili ko, hindi para sukatin ang pag-ibig nya para sa akin. Basta ako, magmamahal. Di baleng kalimutan nyang batiin ako sa umaga, basta ako binati ko sya. Di bale nang saktan nya ako, basta ako hindi ko sya sasaktan. Dahil ang pagmamahal ay pagbibigay at hindi pagtatantos ng mga nagawa at hindi nagawa.
Eh wala eh, mahal ko sya, blog.
Pero eto na naman, binabalot ako ng takot. Paano kung sya ay hindi pala nagmamahal kung hindi nagkakagusto lamang sa ideya na mahal ko sya? Paano kung ang pagbibigay nya ay hindi mapagparaya kundi humihingi ng kapalit? Paano kung ang pagsambit nya ng matatamis na kataga ay mula lamang sa isip at namutawi sa bibig pero hindi tumatak sa puso? Paano kung dumating sa puntong naubos ang pagmamahal na kaya kong ibuhos? Paano kung naubos na ako mula sa mga emosyong lumalatigo sa bugbog ko nang puso? Paano kung ang pagmamahal nya ay konseptong nilikha ng imaheng itinatak ng mundo at sumusunod sa alituntunin nito--kung ano ang tamang hulma at itsura ng isang wagas na pagmamahalan?
Nasasaid ba ang kakayahan nating magmahal? Nauubos ba ang pag-ibig?
Namumugto muli ang mata. Dinig na dinig ko ang bawat hikbing hindi mapigilan. Damang dama ko ang kalungkutan. Para sa taong tunay na nagmamahal, ito ba ay makatarungan?
Sa interogasyon ng mga damdamin, tila isa akong biktimang humahanap ng hustisya para sa pagmamahal nang tapat at wagas. Sa iisang Hukom, bigyan Nyo po ako ng katarungan.

Comments
Post a Comment