Saloobin 9

Blog, may tanong ako sa'yo.

Bakit kaya tayo nagagawang lokohin ng taong mahal natin?

Grabe naman 'to. Oo na, andun na tayo sa nagkamali at patawarin na pero bakit nila nagawa?

Ang hirap kasi, blog. Iniisip ko pa rin bakit ako nagagawang lokohin?

Alam mo, isa lang ang naiisip kong dahilan.

Kasi hindi ako worthy.

Hindi ako worthy seryosohin dahil sa nakaraan ko. Ayoko nang i-elaborate ito kasi alam mo na to, blog.

Hindi ako worthy para sa loyalty nila dahil hindi ako kadisplay-display. Hindi ako yung babaeng ang sarap isama sa mga kaibigan at mga kamag-anak at iflaunt na "eto nga pala ang babaeng mahal ko" kasi di ako kagandahan, katangkaran, kakinisan at kaputian. In short, di kasi ako maganda.

Pero mabait naman daw ako at talagang dedicated. Malambing at maalalahanin. Masarap naman daw ako magmahal. kaso...

Hindi ako worthy maging only option. Pero maganda akong gawing meantime option habang hindi pa nila nakikita yung babaeng masasabi nilang eto na talaga.. Yung babaeng that will sweep their feet away.

Kaso mahuhuli ko sila. Maaaring nakakita na, maaaring nasa proseso ng paghahanap o maaaring nagkakamabutihan na ng nakita nila.


At pag nangyari yun, malalaman nila. Masasaktan ako nang sobra. Yung durog na sakit. At mula nun iisipin kong tama ako sa lahat ng naisip ko. Sasabihin nilang hindi at pipiliin ako. Marahil, dahil na rin sa awa sa akin kasi naging mabuti naman ako sa kanila.

Pipiliin ako para umulit lang ulit dahil..

Hindi ako worthy mahalin hanggang dulo. Hanggang salubungin sa altar. Hanggang pangakuan ng walang hanggang pagmamahal at katapatan sa harap ng Diyos at ng tao. Hanggang kumulubot ang balat at mamuti lahat ng buhok.


Hindi nga siguro ako yung hinahanap nila pero pwede na. At dahil maiisip ko ulit lahat ng ito sa kabila ng pagkakabalikan at pagkakaunawaan muli, matagal na palang wala ang pagmamahal. Hanggang ako na ang tatapos at magmamakaawa silang huwag.

Hindi siguro dahil sa mahal nila ako. Hindi dahil sa worthy ako. Dahil natapakan ang pagkalalaki nila. Dahil nakakasama sa pakiramdam ang makitang ang meantime option mo habang naghihintay ay "the one that got away" na.

At dahil nangyari ito, ikukuwento nila sa buong mundo kung bakit hindi nagworkout at sasabihin lahat ng dahilan kung bakit hindi ako worthy katulad ng mga sinabi ko sa itaas. At sasabihin ng iba, buti nalang pala hindi mo sya nakatuluyan.

Pero ang hindi nila alam, nagmahal naman talaga ako nang totoo..

Sa ngayon, hindi ko alam saan ang gulong ng kapalaran ko. Pero eto na naman ako sa halos parehas na sitwasyon ang kaibahan lang, may laman ang tyan ko. Kahit siguro ganun, hindi pa rin talaga ako worthy.

Pasensya na, pagmamahal nang buo at tapat lang ang kaya kong ibigay. Akala ko sapat na.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12