Fealty

I am currently into playing Wordscape. Crossword puzzle composed of 3 to 7-letter words that are made out of 6-7 letters given.

Nakakahasa ng utak. Isa sa mga salitang natutuhan ko ay ang salitang FEALTY. Akala ko medyo malapit sya sa salitang Realty o kaya Frailty pero hindi. Nagulat ako nang malaman ko ang ibig sabihin nito ay "intense fidelty" or "loyalty to a person, group, etc."

Kung meron mang isang salita na pinakatumpak na mailalarawan ang aking 2017, ito ay ang salitang fealty. Hindi lang basta loyalty o fidelity kundi INTENSE fidelity. Fealty.

Madaling maging matapat sa panahong masaya ang lahat. Madaling maging loyal kapag walang bahid ang relasyon. Pero ang hirap kapag hindi ganun ang sitwasyon. Ngayong taon, sinubok ako. Pero iba pala pag tunay mong mahal ang isang tao. Magiging matapat ka sa kabila ng sakit. At kahit gaano kasakit, magiging matapat ka pa rin. Magiging matapat ka sa kabila ng mga tukso. At kahit gaano nakakaakit yung sitwasyon o yung iba, magiging matapat ka.

Tingin ko yun ang fealty. Ang pagiging loyal sa kabila ng lahat. Naniniwala akong sapat na rason ang pagpiling patuloy na mahalin ang taong mahal mo para manatiling tapat. Hindi lamang tapat sa tao mismo kundi tapat din sa mga pangarap nyo at sa inyong hinaharap.

Mapalad tayo kasi may nasa taas na laging nakagabay sa atin. Hindi Nya pababayaan ang ating katapatan ay mauwi sa kasawian. Higit sa lahat, mahalaga maging matapat tayo sa Kanya at sa Kanyang mga pangako para sa atin.  

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12