Posts

Showing posts from September, 2014

Discernment: Bakit ito mahalaga sa akin?

Bakit?Bakit kailangan ng ganito? Bakit hindi nalang sunggabin ang buhay kung paano siya ngyon at kung saan man tangayin? Bakit kailangang pakomplikaduhin ang simpleng pagtawid sa bawat araw at gabi? Sa taong kilala bilang mapusok at walang sinusukuan, kakaibang marinig ito sa akin. Naalala ko nung kasagsagan ng aking katapangan ang motto ko sa buhay, "what Ekai wants, Ekai gets." Sa lahat ng aspeto ko ito ginagamit--pag-aaral, luho, kaibigan, organisasyon, pamilya kahit sa buhay pag-ibig. Masasabi ko namang madalas ganun nga ang nangyayari. Dahil sa lahat nalang ng gusto ko nakukuha ko, marami sa mga pananaw ko ang nagbago. Andito ako sa sitwasyong isinubo ko ang sarili ko sa malaking lundag. Siguro'y magdadalawang taon na rin. Sa tingin ko noong mga panahong iyon, iyon ang tanging solusyon para pagtakpan ang mga kasablayan ko sa buhay. Ngayon, nandito ako sa puntong tinatanong ko sa sarili kong tama ba? tama pa ba? o mali naman sa simula pa lang? Samahan nyo ako s