Posts

Showing posts from 2015

Onlayn Labing Labing

Nung nagpost ako ng status tungkol sa hirap umibig, ni-like mo pa Nagpicture akong laslas ang braso at in-upload sa instagram, nag-heart ka pa. Nagtweet ako sa kamanhidan ng mga taong minamahal, ni-retweet mo pa. Di ko alam kung alam mo bang lahat ng iyon ay patungkol sayo o sadya kang tanga. Sa panahong tinatawagan kita sa skype, line at viber dahil kailangan ko ng kausap, ring lang nang ring Sa panahong umaabot ng daan-daang bagong mensahe ang pinadadala ko sayo sa messenger at ginagawa ko ang flood-likes nang paulit-ulit, deadma ka pa rin Sa panahong pinadalhan kita ng relationship request na inabot na ng maraming monthsaries natin, sa iyo ay pending pa rin Ngayon Sinabi mong ako'y patuloy mong mamahalin, seenzone ka sa akin

Nasaan na ang pagmamahal ko?

Pagmulat ko, nawawala na Tiningnan ko sa kisame, wala Hinanap ko sa ilalim ng unan, wala Ipinagpag ang buong higaan, wala Pinagmasdan ko ang iyong larawan Na tila isang istranghero sa magasin Binasa ang iyong mga liham Na parang artikulo sa dyaryo Siguro habang tulog ako Hinugasan sa aking mga nakakubling luha Ang puso kong balot ng matamis na pagtingin Na ngayo'y napalitan ng tabang at alat Siguro habang tulog ako Itinapon ng aking utak ang masasayang alaala At itinira ang lahat ng poot  Para mawala ang lahat ng pagmamahal Siguro, hindi na talaga kita mahal Magkikita pa naman tayo mamay Sana, hindi mo mahalata Sana nga

Dear Blog #5

Hi Blog. Good morning. Magsisimula na sana akong magsulat nang nagtext siya. Nakapag-usap na kami. Gusto ko sanang pagdudahan siya pero marinig ko lang boses nya kampante na ako. Gusto kong magalit sa kanya pero makausap ko lang sya napapawi lahat ng inis, ng takot, ng tampo. At kahit kailan di ko nakuhang magalit sa kanya. Siguro nga, Blog. Eto na yun. Sana, eto na yun. Eto na talaga.

Dear Blog #4

Waiting game. Ano na ba sunod naming kabanata? May bukas pa ba kami. Sa totoo lang, Blog, sa dami ng guys na romantically linked sa akin, sya yung gusto kong huli na. Kumakapit ako kasi ayoko na pong maghanap o matagpuan pa ng iba. Siya na kasi yung sagot sa lahat ng agam-agam ko. Siya na yung nakikita kong swak sa buong ako. Pero, yun din kaya ang iniisip nya?  Hindi ko alam kung ano pa ang plano nya para sa amin. Nagtext sa umaga buong araw walang paramdam. Hindi siguro niya nararamdan kung gaano kabigat ang nangyayari. Sa kabila ng sobrang pagkagusto kong mahalin sya, naitutulak nya ako palayo. Ako lang ba o talagang nangyayari ito? Ibang iba na kasi sya... Kampanteng walang magbabago. Iabandona man nya ako, hindi man sya magparamdam, baliin man nya ang mga pangako nya, hindi man kami magkita ng ilang araw na naging linggo na umabot na ng ilang buwan at hindi ko alam kung kakayanin kong magbilang ng taon o mga taon o kahit dekadang walang nagbabago sa nararamdaman ko. Hin

Dear Blog #3

Bakit ang sarap magsulat kapag mabigat ang loob? Bakit mas madaling sumama at mawala sa mga letra sa mga panahong ito? Bakit sa kabila ng maraming kamag-anak, kaibigan at kakilala, higit na pinipiling katuwang ay ang papel at pluma? O sa kalagayan ko, ikaw Blog, ang kasama ko.  Kung umiinom ka lang, kanina pa kita nayayaya at maghapon tayong magtatagayan. Mula sa mga simpleng tawanan at kababawan hanggang lunurin tayo ng alak sa luha ng kapighatian. Kaso hindi ka umiinom. Kaya sasabayan mo nalang siguro ako at sasabihin, iyan ka na naman nagpapakasawi. Sigurado ka bang iniisip ka nya? Nakakatiyak ka bang piniproblema ka nya? Naaalala ka ba nya o hindi kaya gumagawa ba sya ng plano para maayos ang lahat?  Walang kasigiraduhan. Gaya ng pag-aalangan mong magpakumbaba ngayon kahit gustong gusto mo na. Gaya ng pangungulila mo sa kanya pero may pagtitimpi ng nararamdaman. Gaya ng pagmamahal mong bumubuhay sayo at kumikitil. Isang malaking kalabuan. Siguro yan ang sasabihin mo sa a

Dear Blog #2

Sa dami ng kwento ko marami ngayong bumabagabag sa akin... Simula nung pumuntang States si Villegas, nahihirapan akong makahanap ng taong mapagsasabihan ko ng sama ng loob ko. Yung tipong kailangan ko na talagang magpakatatag, sa pinaka-ibigsabihim ng salita na ito. Nawala na yung karapatan kong maging mahina at malungkot. Pero, Blog, malungkot ako. Seryosong lungkot. Wala akong mapagsabihan ikaw lang at ang malawak na mundo ng internet na hindi ko naman alam kung sinong nakakabasa. Oo, mundo ng internet, malungkot ako.  Malungkot ako dahil nasasaktan akong nakikita si Jio nahihirapan sa mga sugat nya...sana sa akin na lang lahat iyon. Malungkot ako dahil nandyan si Kel pero parang wala naman. Wala akong makapitan. Wala akong masandalan. Sinasabi nya mga problema nya sa akin. Parang kapag ganun, hindi na ako pwede mag-open up sa kanya kasi baka makadagdag pa. Hindi ko alam. Salamat Blog andyan ka. Di bale, wala ka namang damdamin. Alam kong hindi ka magtatampo kung tinatakbuh

Dear Blog # 1

Andami-daming kuwento sa isip ko ngayon. Wala na akong mapagsabihan na iisa o mangilan-ngilang tao lang. Gaya nung elementary, may Angela. Nung highschool, may Angela, Analia at Phen. Nung college, may Madz at Marian. Lalong lalo nang may Villegas. Nung jf, may Kath at Ivy. Nung tp, may Manjo at April... Lalong lalo na may Villegas. Akala ko si Kel, magiging bestfriend ko rin sya. Pero hindi ko na sya matakbuhan. Hindi ko na sya mahabol sa layo ng distansya namin. Parang hindi na sya ganun ka interesado sa buhay ko. Parang hindi ko na alam kung nasaan na ba kami. Wala nang madalas na text messages (kasi busy raw sya) wala nang expressions of emotions and feelings (kasi pagod daw sya) Baka unti-unti na naming inaalis ang isa't isa sa kanya kanyang buhay. Dapat ba kong lumayo na? Dapat ba kong kumapit pa? Saan ako lulugar? Saan ako pupunta? Saan ba ito patungo? Ang bigat sa dibdib. Parang inaatang sa akin yung mamiling umalis o manatili sa walang pagkakahawak. Ngayon, kaya na

Tempations

I hate temptations. They poison the soul. They push you to sin. They let you settle for less than you deserve.  No matter how tempation follow us, it will never succeed unless we allow it.

God is good.All the time.

Ang Panginoon wala sa kalingkingan nya ang eveready battery. Hinding hindi Sya napapagod tawagin tayo para higit na lumapit sa Kanya. Alam Nyang takot ako kasi andaming beses ko nang sumablay. Hindi pa rin Sya sumuko. Nang tuluyan na akong lumaya mula sa mga bagay at taong humadlang sa aming gitna, agad agad Nyang pinakita sa akin ang mga taong matutulungan akong mapalapit sa Kanya. Sa kabila ng kabi-kabilang problema, payapa ang aking puso.

Lumipas na naman ang Araw ng Kalayaan

Anim na taon na rin ang nakalipas ng magkaroon ng mas malalim na kahulugan sa akin ang Araw ng Kalayaan. At nitong huli, lumipas na naman ang araw na ito gaya ng iba pa. Ngunit, ang paglipas nito ay higit na mas mapait kaysa mga ordinaryong araw. Binibilang ng bansa ang mga taon ng kasarinlan mula sa mga mapang-abusong mananakop habang binibilang ko naman ang mga taon ng pagkabilanggo sa pangungulila sayo... Sana hindi na dumating pa ang Araw ng Kalayaan bilang paalala ng lahat ng pagmamahal na hindi ko naibuhos sa iyo. Sana hindi na ito dumating na parang magnanakaw sa gabi upang kamkamin ang lahat ng kasiyahang ipinangkukubli sa pangungulila ko sayo. Malungkot. Napakalungkot. Pero, kapit lang mahal. Darating din ang panahong sasalubungin natin ang Araw ng Kalayaan at ipagdiriwang ang ating pagsasama na panalangin kong di na magkahiwalay pang muli.