Posts

Showing posts from 2014

Discernment: Bakit ito mahalaga sa akin?

Bakit?Bakit kailangan ng ganito? Bakit hindi nalang sunggabin ang buhay kung paano siya ngyon at kung saan man tangayin? Bakit kailangang pakomplikaduhin ang simpleng pagtawid sa bawat araw at gabi? Sa taong kilala bilang mapusok at walang sinusukuan, kakaibang marinig ito sa akin. Naalala ko nung kasagsagan ng aking katapangan ang motto ko sa buhay, "what Ekai wants, Ekai gets." Sa lahat ng aspeto ko ito ginagamit--pag-aaral, luho, kaibigan, organisasyon, pamilya kahit sa buhay pag-ibig. Masasabi ko namang madalas ganun nga ang nangyayari. Dahil sa lahat nalang ng gusto ko nakukuha ko, marami sa mga pananaw ko ang nagbago. Andito ako sa sitwasyong isinubo ko ang sarili ko sa malaking lundag. Siguro'y magdadalawang taon na rin. Sa tingin ko noong mga panahong iyon, iyon ang tanging solusyon para pagtakpan ang mga kasablayan ko sa buhay. Ngayon, nandito ako sa puntong tinatanong ko sa sarili kong tama ba? tama pa ba? o mali naman sa simula pa lang? Samahan nyo ako s

Una

Unang araw ng Agosto ng 2014. Unang post ko sa taon ding ito. Ayokong simulan ng hindi maganda ang una dahil malas daw yun. Kailangan laging good vibes kaya bukas nalang ako maghihimutok dahil siguro naman pwede nang maghalo ng kakarampot na bad vibes di ba?hahaha. Dahil usapan ito ng una, naisip kong magsulat nalang tungkol sa aking mga una: Unang araw ko sa San Pablo.Lumagpas pa ako. Eh dapat sa SM ako bababa, sa Medical ako naibaba ng bus na inaway ko pa na naaway din ako ng kikitain ko dahil lagpas ako at medyo malayo na ang aking binabaan. Unang beses kong makita si Jio. sobrang ginhawa at saya kasi ang lusog lusog nya kaya lang ang sakit talaga ng hiwa ng doktor kaya ayun sinaksakan pa rin ako ng pampatulog. Unang pagkikita namin ni Rusty. hindi ako na-love at first sight. hahaha. Unang beses ko ay hindi sa taong minamahal ko kundi sa taong mamahalin ko pala. Akala ko di na yun mauulit eh wala eh iba pala ang kamandag ko.Yun nga lang di sya happy ending. Unang pagka