Posts

Showing posts from March, 2017

Finally Home

Image
After a year, andito kami magkakasama ulit. Namiss ko ito. Simula na ng maraming bonding moments. Simula sa Bataan papuntang Subic. SUMMER NA NGA!! keep it coming...

Dalawang Uri ng May Kapansanan sa Mata

Kahapon, sinamahan ko si Joeser magsimba sa National Shrine of Padre Pio sa may Sto. Tomas, Batangas. Kaarawan kasi nya. Kasama ang isa pa nyang kaibigan na si Golda, tumungo kami sa simbahan at dumalo sa misa. Kung tama ang pagkakatanda ko, Father Arvin ang pangalan ng pari. Medyo quota yata kami sa mga Arvin ngayon kasi yung waiter na kamukha ni Jake Ejercito sa Max's Sta. Cruz yun din ang pangalan. Naalala kong biruan pa namin ni Joeser, sabi ko ay magpapa-cute ako sa waiter sabay kuha ng phone nya at aakmang tatawagan si hubs. Going back... Sobrang tagal ko nang hindi nakakadalo ng misa kaya medyo nostalgic na di mo maintindihan. Nung mga panahong iyon naisip kong hindi na ako sanay at hindi ko nakikita ulit na magiging sanay ako sa buong misa. Ganun pa man, nakinig ako nang maigi lalo na sa mga pagbasa. Ang unang pagbasa ay ang pagpili sa bunsong anak ni Jessie ng Panginoon (si Joseph the Dreamer yata ito) sa pamamagitan ng propetang si Samuel. Ang pangalawa naman ay ang

Hang Over

Grabeng sakit ng ulo ko! Kahit ganun, masaya pa rin akong kasama sila. Limang mucho. Dalawang lalaking mahalaga sa akin. Walang katapusang kuwentuhan, tawanan at dramahan. Josh, alam ko mababasa mo ito. Advanced Happy Happy birthday. Salamat sa mga libreng makeup, plantsa, etc. etc. Salamat sa pagtitiwala sa akin. Salamat sa pagpapasok sa akin sa 'very exclusive' personal circle mo. Lagi mong tandaang andito ako para sa iyo. Alam mo namang ikaw ang aking Barbs in San Pablo. Kung anumang pinagdadaanan mo, wag tatambayan ha? Hubs, di ko sure kung mababasa mo ito. Comment ka ha para alam ko.Hahahaha. Salamat sa pagiging andyan palagi lalo na sa pagpunta dahil sa pagdrama ko na super stressed ako. Pero totoo yun. Nung nakita kita sa labas ng pinto napawi ang lahat ng isipin ko. Akala ko yakapsule at kisspirin mo ang sagot, grabe, ngiti mo pa lang pala. Sana ganyan ka palagi. "Tsalamat tsa lahat ng contsern at love mo tsa akin."  (sa tono nung nasa Hunter X Hunter)

Salamat

Salamat kasi sa kabila ng ulan mas pinili mong bumyahe kahit mababasa ka ng higit isang oras mapawi lang ang kalungkutan at stress ko.  Salamat kasi pinaparamdam mo sa akin kung gaano ako ka-espesyal sayo. Salamat kasi pinapatawa mo ako nang maraming marami.  Salamat kasi mahal mo ako. Sana di ka magbago at patuloy mo akong mahalin. Mahal din kita. 

The Secret

Alam mo yung prinisipyo ng "The Secret"? Sabi dun, "The universe conspires to fulfill your heart's content." Parang ganun. You become what you thought you will be. Kapag sinasabi mong magiging ganun ka, magiging ganun ka. Kapag sinasabi mong hindi ka magiging ganun, magiging ganun ka pa rin. Ang gulo no? In short, positive man o negative ang framing mo ng thoughts mo, the fact na naisip mo sya magiging ganun nga.. Ako gusto ko maging excellent sa lahat ng aspeto.  Yan ang secret ko. At please universe pakitupad!!!

Isolation

Alam mo yung gusto mo nalang i- isolate sarili mo. Mula sa lahat ng stressful na nangyayari sa buhay mo. Feel ko ngayon mag isa ako. Oh well, mag-isa naman talaga ako. Kahit dati pa. Hay... Nakakainis itong mood na ito. Gusto ko nalang matapos ang linggong ito. Matapos na sana ang taong ito.. Kakalimutan ko lahat ng stress na ito, promise!!! Iyan kasi hilig ko magcramming.. Anyways, less than a week to go.

Genuine

"Genuine pa ba ako sayo?" "Hindi ko alam." Salamat at nagkaroon ng ganitong pagkakataon. Maghihilom ako. Bubungkalin ko ang ugat ng sama ng loob at wawalisin ko palayo ang mga duming alaala. Magmamahal ako nang walang pader, walang pag-aalinlangan. Sa kabila ng papikit kong mata, buhay ang aking diwa..

Expectation

Ang hirap umasa. Ang hirap magtiwala. Pero likas sa ating sa kabila ng paulit-ulit na pagkabigo, magtitiwala pa rin tayo. Kakapit sa pag-asang magbabago din naman ang takbo ng buhay. Pero sa patuloy na pagkapit sa pag-asang iyon, di natin namamalayang may expectations na. Hindi naman ako pababayaan nun.. Hindi naman ako lolokohin nun.. di naman ako sasaktan nun. Hindi naman ako bibiguin nya. Alam mong inaasahan mo na yun. Kampante ka na. Hanggang mangyari muli. Kelan ba susuko ang pagod nang puso? Siguro hindi susuko. Titigil lang umasang makakamtan ang mga inaasahang tinanim sa isip. Sa pagtigil ng puso sa gawaing iyon, magsisimulang magmahal ng walang kondisyon at kapalit. Sana umabot na ako dun.

Ulirang Award

Bukod sa pagiging late, eto pa ang isa kong pagsusumikapan. Grabe ang away namin ni Jio kanina. Malaki sa mga inaasal nya kasi kasalanan ko. Di ako naging mabuti sa kanya. Magsusumikap akong maging mabuti. San mapanindigan ko.

Sampaloc

Kapag nandito ako sa tabi ng lawa ng Sampaloc, ipinaalala nito ang dahilan kung bakit gusto ko rito sa San Pablo. Yung katahimikan ng lawa ay patuloy na pinaaalalahan ako na sa kabila ng gulo sa loob ko, kayang maging mapayapa ng paligid. Nakakakalma. Nakakapalimot. Nakakamangha. Sa kabila ng madaming hindi magagandang nangyayari sa buhay natin, marami rin ang magagandang bagay sa paligid natin. gaya nitong lawang nasa harapan ko ngayon.

I am sorry I am late

Eto ang unang sakit na aking gagamutin--pagiging huli sa klase. Madalas, pinaghihintay ko ang aking mga kaibigan kapag may tagpuan. Ang sama ko. Ngayon, sisikapin kong hindi na. Blog, try ko talagang hindi na. Pahahalagahan ko na ang oras ng iba gaya ng pagpapahalaga nila ng oras ko. Hindi na ako mahuhuli. Sa tagpuan. sa klase. sa usapan. sa pagmamahal. sa buhay.

Ngayong Araw na Ito

Sa harap ng kalaliman ng madaling araw, sumumpa ako. Sumumpa ako sa maraming huli. Sumumpa ako sa maraming pagwaksi. Sumumpa ako sa maraming pagtaliwas. Sumumpa ako sa maraming pag-iwas. Bakit? Madalas, kaakibat ng kagustuhang magbago ay ang masakit na damdamin ng kabiguan. Nakatatawang isiping sa pagtigil ko sa mga baluktot na gawain at pag-iisip, dulot ito ng kabutihan. Mga magagandang nangyayari sa aking buhay sa kabila ng hindi ako karapat-dapat. Naiisip ko, sa gago kong ito patuloy pa rin akong pinagpapala. Iniisip ko kung ganun, imbes na magloko, sisikapin kong magtino. Para makahabol sa maayos na buhay. Para makahabol sa mga nawalang panahon. Para makahabol sa kabutihan ng iba at ng Diyos sa akin. Susubukin ko po talaga.