Posts

Showing posts from 2017

Saloobin 16

Death. What if I die soon? Death is inevitable. Lahat naman tayo dun papunta. Kaya kelangan handa. I am in pain now.  Usually, death comes with pain. Kaya ko siguro naisip sumulat tungkol dito. Plus 2017 will die today. Good thing about dying year, it dies with all the heartaches and nightmares. Going back, kapag namatay ako, tatlong action plans lang. 1. Si Jiren mapunta sa tatay nya. Sana alagan at mahalin syang mabuti. 2. Si Jio kay Tito Doods. Sorry sa hassle, Tito. Pero sayo ko lang mapagkakatiwala siya. 3. Ilibing ako sa San Pablo. Gusto ko ring humingi ng tawad sa tatlo: 1. Una, sa Panginoon. Napakasama kong anak sa kabila ng lahat ng biyayang binigay Nyo po sa akin. 2. Pangalawa, sa mga magulang kong lubos kong nasaktan 3. Pangatlo, sa sarili ko para sa lahat ng kabiguan. Sa lahat ng mga nagbigay ng tunay na pagmamahal at pagkakaibigan, Maraming maraming salamat. Sa sobrang dami nyo, di ko kayo maiisa-isa. Sa aking mga anak, lalo na sayo Jiren, kung mawa

Saloobin 15

Lord, take this cup away from me. But Your will, not mine, be done.

Of Trust and Love

Kagabi,sumuko na yung pumatay dun sa mag-inang nakatira sa Cavite. Apparently, kabit sya nung babae. Si mister nasa ibang bansa at nagtatrabaho, umuwi nitong December. Bago makauwi, nangyari ang karumaldumal na pangyayari. Pinakita sa balita ang palitan nila ng mga sweet messages, mga malalambing na pictures kasama pa pati anak niya. Sobrang nakakalungkot. Hindi na para sisihin ang babae dahil tingin ko, nangyari na yung pinakamalalang consequence sa pagtataksil nya sa kanyang asawa. Tumatak sa akin yung sinabi ng mister nya na araw-araw silang mangkausap at nagpapalitan ng I love you sa isa't isa kaya hindi nya pinaghinalaang may kalaguyo ang asawa nya. Sana makahanap na ng peace of mind si Kuya at napakasakit ng nangyari sa kanya. Nakakarelate ako sa sitwasyon nila.Pero hindi ko man lang naisip kahit kailan na ipagpalit ang asawa kong subsob sa trabaho para sa amin tapos manlalalaki lang ako.. Yung magiging ka-close pa ng anak namin? Ayokong magsalita ng tapos pero kung mah

Saloobin 14

Image
It's been a while, blog. Gusto kong sabihin sayo na God answers our prayers. Niregaluhan ako ng pinakamamahal kong lalaki ng relo. Napakaganda nya. Kumikinang at bagay sa aking kamay. (Feeling ko.hahaha) Higit sa ganda ng relo, pinakamagandang regalo nya sa akin ay KANYANG ORAS. Naramdaman ko yung pagmamahal nya sa akin sa maraming pagkakataong kasama ko sya. Yung hindi hati ang oras nya para sa ibang bagay. Naka-focus sya sa amin nila baby. Isang paalala rin ang relo nang kanyang katapatan SA LAHAT NG ORAS. Maaaring maraming magaganda at sexy dyan, ano laban ng 7-month preggy dun. Pero ang makamundong pangangati, mairaraos yan ng wala pang limang minuto. Worth it ba yun para isakripisyo pagmamahalan at katapatan sa isa't isa? Mas ayos na akong gawin yung mga bagay na yun sa taong mahal ko dahil mapapanatag akong wala akong sinasaktang tao dahil sa pagiging makasarili. Napakahalaga sa aking ng relo na yun pero higit sa lahat napakahalaga sa akin ng bawat oras na an

Saloobin 13

The closer it gets, the thinner the chances. Di na po ako nag-eexpect. Describing my life now in one word? D I S A P P O I N T M E N T I am so disappointed with myself and with the choices I make.

Saloobin 12

Habang ang tingin ng buong mundo, masayahin kang tao kasi pala-tawa ka at pala-ngiti. Halos lahat nagiging kagaanan mo ng loob, ang hindi nila alam ang laki ng puwang sa iyong puso. Dahil sa mga panahong gusto mo sanang kasama ang iyong pamilya, nakatalikod sila sayo. Habang tingin nilang lahat, ang tatag tatag mong tao, hindi nila alam sobrang bugbog na ang isip at puso mo. Naghuhumiyaw na nang tama na. Walang handang makinig. Kung meron man, walang nakakaintindi ng sakit at takot na bumabalot sayo. Unti-unti kang pinapatay. Napakasaklap. Habang tingin nila ay napakagaling mo sa halos lahat ng bagay, hindi nila alam na ang bawat umaga pagmulat mo ay mahaba-habang pagkumbinsi sa sariling higit ka sa basurang pakiramdam mo--madumi at kailangan nang idispatcha. Habang himbing ang lahat dahil malaki ang kumpiyansa ng magandang bukas, eto ka nangangambang baka eto na ang huling gabi. Ako iyan. Pero nung nakita ko sa monitor ang mukha mo anak, payapa at himbing. Sa kabila ng dami

Stolid

showing little emotion or excitement Yun ang ibig sabihin nun. Nasa dulo na ako ng pagho-holdback ulit. Pakiramdam ko napaka-vulnerable ko. Nandito na ako sa puntong gusto ko nang itago yung nararamdaman ko. Kasi, pakiramdam ko, meron ulit na iba. Meron ulit nagpapagaan ng loob nya. Meron syang pinopormahan. At hindi ako yun. Well, ano bang kaya ko ipagmalaki? Pakain lang din naman nya ako. Bukod sa makinig sa mga kuwento nya, wala na. Bukod sa pagiging andyan palagi para sa kanya, wala na. Bukod sa mahalin sya, wala na. Alam ko namang hindi ako yung klase ng babaeng sinasabi ng mundong bagay sa kanya. Kapag naaalala ko yung mga sinabi nya dun sa babae dati, nanliliit pa rin ako kasi totoo naman yun. Hindi ko nga lang akalaing ganun ang tingin nya sa akin at hindi nya tanggap ako bilang ako. Gusto ko lang malaman, mata sa mata, kung mahal ba talaga nya ako. Kung totoong ako na yung pinipili nya hanggang dulo. Kung totoo yung mga plano nya para sa amin. Kasi kung sasabihin nam

Saloobin 11

Alam mo yun, blog. Nakakabastos lang eh noh.  Ignorance is a bliss nga talaga. Yung alam mong may mga ka-chat syang iba at talagang deliberately hindi nya sineen yung chat mo. Fine. Erika, tanga tanga mo talaga. Mahilig ka maniwala sa salita. Lagi kasing sa gawa!! Gawa yung pagbasihan mo. Kung di ka nya priority, kung kakausapin ka lang nya kasi kakakulit mo at kakatawag mo, makaramdam ka na naman. Lumugar ka naman. 

Saloobin 10

Ang lakas ng ulan. Nakakalungkot yung ulan. Kasinlungkot ng puso ko ngayong wala na si Kingking. Bakit sya nawala sa amin? Wala na yung baliko kung tumitig sa akin. Yung hindi magtatangkang umalis ng bahay kahit di ko naman sya masyado naalagaan. Ganun siguro talaga, naaappreciate mo lang yung loyalty ng isang nilalang kapag nawala na. Ang mali ko, yung mga tao at hayop na nagiging matapat sa akin, sila pa yung hindi ko pinapagtuunan ng pansin habang sa ibang option lang ako pero kung gawin kong libre yung sarili ko para sa kanila, akala mo ganun din sila sa akin. Mundo nga naman. Nakakahinayang. Si kingking. At ang mga panahon nailaan sa mali. 

Fealty

I am currently into playing Wordscape. Crossword puzzle composed of 3 to 7-letter words that are made out of 6-7 letters given. Nakakahasa ng utak. Isa sa mga salitang natutuhan ko ay ang salitang FEALTY. Akala ko medyo malapit sya sa salitang Realty o kaya Frailty pero hindi. Nagulat ako nang malaman ko ang ibig sabihin nito ay "intense fidelty" or "loyalty to a person, group, etc." Kung meron mang isang salita na pinakatumpak na mailalarawan ang aking 2017, ito ay ang salitang fealty. Hindi lang basta loyalty o fidelity kundi INTENSE fidelity. Fealty. Madaling maging matapat sa panahong masaya ang lahat. Madaling maging loyal kapag walang bahid ang relasyon. Pero ang hirap kapag hindi ganun ang sitwasyon. Ngayong taon, sinubok ako. Pero iba pala pag tunay mong mahal ang isang tao. Magiging matapat ka sa kabila ng sakit. At kahit gaano kasakit, magiging matapat ka pa rin. Magiging matapat ka sa kabila ng mga tukso. At kahit gaano nakakaakit yung sitwasyo

Divine Initiatives

Ano kaya talaga ang plano ng Diyos sa akin? Pangalawang araw ng simbang gabi. Tumatak talaga sa akin yung divine initiative. Madalas, akala natin yung nangyayari sa atin ay kagustuhan natin pero ang katunayan laging may nais si Lord. Nung isang araw, naisip ko bakit lagi na lang ako nasasaktan. Sabi nila kapag paulit-ulit na nagyayari sayo, malamang sayo na yung may problema o pagkukulang. Antagal naming nagsama ni Rusty, matagal-tagal din kami ni Kel tapos ngayon yung sa amin ni Erwin. Yung naramdaman kong heartache patindi-tindi nang patindi. At kapag nasasaktan na ako, napapansin kong may malaki at mataas akong pader na ginagawa. Matapos akong lokohin ni Rusty, isang taon pa bago kami naghiwalay. Kinailangan ko pa ng isang Kel para makawala kasi iniisip ko, wala nang lalaking darating. Yung sa amin ni Kel, ganun din. Verbal abuse naman, nahuli kong lumalabas kasama ng ibang babae, malalanding chat exchanges. Wala na rin talaga pero di ko hiniwalayan kaagad. Ilang buwan pa an

I love you

Disclaimer: hindi ito post na profession of love. Hindi sweet o anything. Isa itong rant. "Huwag kang magsabi ng I love you kung napipilitan ka lang." Excuse me lang po ha. Nung unang beses na sinabi kong mahal kita. Mahal talaga kita. Walang halong pilit at pagpapanggap. Nung sinabi kong mahal kita. Buong puso yun. Hindi ako huminto sa salita kasi sinamahan ko yun ng gawa. Binuhos ko ang sarili ko sayo. At sa mga panahong ang hirap mo nang mahalin, mahal pa rin kita. Sa kabila ng lahat ng sama ng loob at sakit, mahal pa rin kita. Sa gitna ng pagkatakot at agam-agam, mahal pa rin kita. Kasi, alam mo, higit sa salita, mas mahalaga ang gawa. Kahit pakiramdam mong napilitan akong sabihin yun, boses ko lang yun. Siguro, may karapatan naman akong mainis. May karapatan akong magalit kasi sa pinakamatamis mo man sinabi, sinasabi at sabihin ang I love you mo, hindi man tunog napipilitan, naging totoo ka ba sa mga salita mo? Sabi nga sa kantang More Than Words, "

Saloobin 9

Blog, may tanong ako sa'yo. Bakit kaya tayo nagagawang lokohin ng taong mahal natin? Grabe naman 'to. Oo na, andun na tayo sa nagkamali at patawarin na pero bakit nila nagawa? Ang hirap kasi, blog. Iniisip ko pa rin bakit ako nagagawang lokohin? Alam mo, isa lang ang naiisip kong dahilan. Kasi hindi ako worthy. Hindi ako worthy seryosohin dahil sa nakaraan ko. Ayoko nang i-elaborate ito kasi alam mo na to, blog. Hindi ako worthy para sa loyalty nila dahil hindi ako kadisplay-display. Hindi ako yung babaeng ang sarap isama sa mga kaibigan at mga kamag-anak at iflaunt na "eto nga pala ang babaeng mahal ko" kasi di ako kagandahan, katangkaran, kakinisan at kaputian. In short, di kasi ako maganda. Pero mabait naman daw ako at talagang dedicated. Malambing at maalalahanin. Masarap naman daw ako magmahal. kaso... Hindi ako worthy maging only option. Pero maganda akong gawing meantime option habang hindi pa nila nakikita yung babaeng masasabi nilang eto na

Faith

Panananalig. Nitong mga nakalipas na araw, sinusubok ang aking panananalig. Siguro natatawa habang napapailing na ang Diyos sa akin. Ang gulo ko kasi.. Sinasabi kong nananalig ako sa Kanya pero di naman ako tumitigil kakapangamba. Sabi ko na lahat ng pag-aalala ibibigay ko sa Kanya pero makikinig pa rin ako sa mga bulong ng kapraningan at kung anuman. Papalalimin ang imahinasyon ng ka-negahan hanggang matabunan na ang sinasabi kong panananalig sa kanya ng pag-aalala.. Minsan iniisip ko, ako ang lumalason sa sarili kong pag-iisip. Kasi ilang beses nang pinatunayan ng Panginoong hindi nya ako pinapabayaan. Dinidinig nya ang aking mga hinaing. Hindi nya ako pinapahamak. Pero nagdududa pa rin ako sa kakayahan Nyang pawiin lahat ng pangamba kasi "He got me covered." Kaya di rin nakakapagtakang hirap akong magtiwala. Kasi Sya ngang All-knowing and Powerful, napagdududahan ko pa. Father, bless me with the gift of Faith to entrust everything to You and to You alone. Para

Saloobin 8

Nahihirapan akong intindihin ang sitwasyon. Pinapasakay mo na naman ba ako? Tinutulak mo na ba ako palayo? Kasi nasasaktan na ako.. Ang pagbati, wala pang ilang segundo para masabi pero kahit yun pinagkakait mo na? Huling iloveyou mo pabulong pa? Gusto kong intindihin at lawakan ang aking pag-unawa pero di ko maalis ang masaktan at magduda.. Pero sa ngayon, didistansya na muna ako.. Kung maalala mo, okay. Kung hindi, di ko na ipipilit. Nakakahiya naman sa trabaho mong kayang kunin lahat ng oras at atensyon mo at di kaya akong tirhan kahit onti.

Saloobin 7

Kanina, galit na galit sya kasi nung tinanong ko kung sino kausap nya, pinagdududahan ko raw sya. Alam kong mali ako dun kasi alam ko namang subsob sya sa pagtatrabaho kaso di ko maalis ang matakot. Baka mamaya sa pagkampante ko at pagwawalang bahala, masaktan ulit ako. :-( Sa totoo lang, kapag nangyari yun, hindi ko na kayang magpatawad. Pasensya na Lord pero parang hindi ko na alam saan ko huhugutin yung pagpapatawad. Minsan (madalas.hahaha) nagdi-daydream ako. Iniisip ko kung anong gagawin ko kapag dumating yung puntong yun. Alam ko sa sarili kong siya lang yung gusto kong makasama panghabambuhay. Siya na yung huli kong mamahalin. Sa kabila ng katotohanan na iyon, kapag nagawa nya akong lokohin, lalayo ako. Siguro yung sa bata, hindi. Pero yung sa amin, wala na. Iniisip ko mag-aala Amor Powers ako at matitikman nya ang batas ng mga api. Aasikasuhin ko na lang yung mga bata at tutunghayan ang buhay nya sa malayo. At kapag nakita nya ako ulit, mapagtatanto nyang ako yung mahal

Saloobin 6

Sino kang nagbabasa ng blog ko? Mag-iwan ka naman ng komento. Ang hiling ko lang isang pagbati ng umaga at gabi. Patunay na naaalala mo ako. Kaso kahit yun wala. Andun na tayo sa mahirap ang trabaho mo pero ang hindi ako maalala sa maghapon parang hindi ka ganun. Di ko ulit maramdaman yung sinseridad ng mga iloveyou mo.. May pinaglalaanan ka na ba ulit nung iba? Sana kung may ginagawa kang kalokohan, hindi mo ito pagsisihan..

It's a...

Di ko akalaing andito ulit ako sa punto ng paghihintay. Nag aabang ulit para mapuyat at magbantay. At habang naghihintay, lumulobo ang tiyan, nanakit ang likuran at nangangalay ang buong katawan.  Iba talaga ang instinct ng isang ina. Malakas talaga ang pakiramdam ko kung ano ang kasarian nya. Sobrang in denial lang. hahaha. Magaling talaga ang Panginoon. Binigyan nya kami ng lalaki kasi ganun yung nature of work ng daddy nya. Iba kasi kapag babae ang anak, kelangan talaga andyan palagi ang tatay para iparamdam ang security niya. At danas ko yan.  Baby, gaya nga ng sabi ko sayo palagi, mapa-girl o boy ka man, lumabas kang normal and healthy, masaya na ako. Mahal na mahal kita. Kahit madalas nasa site si daddy, aalagaan kita nang mabuti. Kayo ni kuya Jio.  Nilalakasan ko ang loob ko pero sa totoo lang, natatakot ako. Di biro ang manganak. Sana po Panginoon, huwag Nyo po kaming pababayaang mag-anak. 

Saloobin 5

Nakakapagod nang umiyak, blog. Nakakapagod humingi ng tawad para sa kasalanang hindi ko ginawa. Nakakapagod nang patuloy na patunayan ang sariling hindi mo kayang magloko. Sabi ko sa sarili ko, hindi para sukatin ang pag-ibig nya para sa akin. Basta ako, magmamahal. Di baleng kalimutan nyang batiin ako sa umaga, basta ako binati ko sya. Di bale nang saktan nya ako, basta ako hindi ko sya sasaktan. Dahil ang pagmamahal ay pagbibigay at hindi pagtatantos ng mga nagawa at hindi nagawa. Eh wala eh, mahal ko sya, blog. Pero eto na naman, binabalot ako ng takot. Paano kung sya ay hindi pala nagmamahal kung hindi nagkakagusto lamang sa ideya na mahal ko sya? Paano kung ang pagbibigay nya ay hindi mapagparaya kundi humihingi ng kapalit? Paano kung ang pagsambit nya ng matatamis na kataga ay mula lamang sa isip at namutawi sa bibig pero hindi tumatak sa puso? Paano kung dumating sa puntong naubos ang pagmamahal na kaya kong ibuhos? Paano kung naubos na ako mula sa mga emosyong lumalatig

Kuwento lang

May nakilala akong lalaki, bes. Taon na ang nakalipas. Itong araw na rin to. Sa akin, fun fun lang. Walang attachment. Ni hindi nya alam tunay kong pangalan. Akala ko gaya lang din sya ng iba. Nung una ko syang nakita, wala naman masyadong impact. Tropa lang. ganern. Tapos nagbago ang lahat ng nagpasama ako sa kanyang lumabas. Hahaha. Aminado naman akong ako ang humawak sa kamay nya. hahaha. Pero di ko akalain mula nun magbabago ang lahat. Dun ko napansin yung ganda ng mata nya. Sobrang tamis nyang ngumiti. Ang gentleman pa. Pakiramdam ko bumata ako ng higit sa sampung taon kasi grabe nya ako pakiligin. Marami na ang nangyari simula noon, bes. Ang hirap idetalye. Kwento ko sa personal pero eto ang clue. Sa unang pagkakataon, nakahanap ako ng katapat. Tinamaan talaga ako. Simula nung nakilala ko sya, di ako tumingin sa iba. Sana ganun din sya.

Saloobin 4

Tama na po. Ang sakit sakit na... Gusto ko nang matapos lahat ng sakit. Malapit ko nang sukuan ang lahat. Sana bumalik ako sa post na ito at tawanan ang sarili ko dahil nalagpasan ko ang araw na ito. Sana dumating yung panahong maayos na ang lahat. Baby, kapit ka lang.. Sa dami mong pinagdaanang emosyon kasama ako, di tayo mag iiwanan. Mahal na mahal kita.

Bakit?

Bakit parang utang natin sa mundo ang maging masaya na ang kabayaran ay walang katapusang luha? Bakit parang kelangan natin bayaran ang araw ng kadiliman kapalit ang liwanag nya sa umaga? Bakit parang kasalanan natin ang pagbuhos ng ulan sa pagngangalit ng langit dahil sa nilasap natin ang mga maaliwalas na panahon? Bakit parang kailangan nating namnamin ang bawat sakit na tumatarak sa dibdib kahit pilit itong kinukubli ng isip? Marahil.. Hindi kasi natin ito ikamamatay kahit gaanong pasakit ang ating aabutin. Bagkus, pagtitibayin tayo ng madilim at galit na langit, patatatagin sa paniningil ng araw at mundo at palalambutin ang nagmamatigas nating mga puso. Sapat para masaksihan at mapagtantong hindi pa tapos ang lahat.. ---- Unang beses kong sumulat ng tula para sa karanasan ng isang kaibigan. Efren, kapit ka lang. Napakabuti mong bata. Hindi ka pababayaan ng May Kapal. :-)

Saloobin 3

Hi November! Eto yung post, sa tagal-tagal ng panahong hindi ako pumunta sayo para maglabas ng hinaing sa sobrang bigat ng dibdib o kaya dahil wala akong mapagsidlan ng sobrang kasiyahan. Eto yung post, sakto lang ang lahat. Walang lungkot wala ring saya. Neutral. Walang pakiramdam ng pagdadamot, wala rin namag pakiramdam ng pagpaparaya. Wala talaga. Minsan napapaisip ako, nasan na ba talaga ang puso ko ngayon? Sa panahong ito, tahimik ang aking diwa. Walang bumubulabog. Walang magulong pag iisip. Katahimikan lang. Hindi naghahanap at hindi rin nagpapabaya. Sa kasalukuyan, nasa ground zero ako. Walang nahuhukay at wala ring naitatayo. Sa panahong ito, nagtatanim ako. Nagtatanim ako ng mga punlang pagmamahal na nakaugat sa pagmamahal sa sarili. Sana sa pag usbong nito, mas maging matatag ako para magkaroon ng kapasidad na magmahal nang buo--hindi lalabis at hindi rin magkukulang. PS. Salamat, Paulo Cuelho. Sa mga magaganda mong akda. Ang "The Zahir" ang nagpapanati

Saloobin 2

Andito ako sa puntong wala eh.. durog na talaga.. yung pinagpatchi patchi ko para mabuo hindi na kinaya..Isang pangyayari lang makapagpaalala di ko kayang hindi maapektuhan. Hindi talaga ako martir. Lahat ng hindi ko masabi sayo, dito ko ilalabas. Kung sayo mababaw lang at tapos na yun. Yun din ang akala ko. Yun din yung gusto kong panghawakan kaso hindi yun yung nararamdaman ko. 1. Kapalit-palit ako. Siguro yun na yun. Kagaya nila dahil eto lang naman ako, aminado akong kapalit palit talaga ako. Pero kahit gaano kasakit, madali naman akong kausap. Sana bago mo ako piniling saktan, sinabi mo nalang na gusto mo na talaga akong palitan kasi hindi na masaya.. kasi hindi na gaya ng dati.. 2. Ang gago ko. Kasi nagpadurog ako ng ganito. Ang hirap bumangon sa totoo lang.. Ang hirap talaga. Pinasakay mo ako sa mga wala mong lamang pangako. Dinala mo ako sa mga kunwari mong kongkretong plano para sa atin at magiging anak natin. At sa lahat ng yun, naniwala ako. Hindi ko alam kung san ba

Saloobin 1

Dear Blog, Alam mo naman kung bakit ako nandito di ba? As usual, gagamitin ulit kita para maglabas ng mga hinaing ko. Gusto ko lang sabihin sayong nasasaktan ako ngayon. sobra. Minsan hindi ko alam kung dahil sa ginawa nyang sakit o dahil sa pagyakap ko dun sa sakit. Andami-daming gumugulo sa isip ko ngayon. Gusto ko na lang makapag-isip ng ako nalang. Sobra na ba talaga ako? Pero kung tutuusin,di ba sya naman ang sobra. Gabi-gabi ko nalang tinatanong sa sarili ko, kung kaya ko pa.. May mga gabi na oo ang sagot. Mayroon din namang hindi na. Nakakatawa nalang isipin kung gaano iningatang huwag mong masaktan yung taong pinakamamahal mo, ganun naman sya kawalang pakialam na saktan ka. Ganun ba yun, kapag inalisan mo ng lisensya ang sarili mong saktan sya, nagkakaroon sya ng instant karapatang saktan ka naman? Ayoko na nung sakit. Gusto ko nalang matulog nang matulog nang matulog. Yung tipong papawiin ng himbing lahat ng sakit sa puso at isip. Dadalhin nalang ako sa mundo ng mga pan

Sa Mundong Nilikha Natin

Sa mundong nilikha natin Sa mundong kasing aliwalas ng tagsibol ang panahon, nagsisibukadkaran ang mga bulaklak at nasisiliparan ang mga paruparo Sa mundong nagliliwanag ang gabi dahil sa libu-libong nagkikislapang mga bituing pumapalibot sa mayabang na pagkinang ng buwan na tila hindi nanghiram ng ningning sa araw Sa mundong walang puwang ang kalungkutan kung saan umaalingawngaw ang ating tawanan na tanging bumabasag sa katahimikan ng matatamis nating pagpapalitan ng ngitian Sa mundong malaya nating napagsisigawan ang ating pagmamahalan kasabay ng pagbabahaginan ng matatayog nating pangarap sa isang hinaharap na tayong dalawa ang magkatuwang Sa mundong nilikha natin Sa mundong nilikha para sa atin lamang Sa mundong nilikha lamang Sa ganda ng ating nilikhang mundo Naisip ko bakit hindi ko pag-isahin ang mundong meron ako at mundong meron tayo Gawin kang tunay na tauhan sa buhay ko Ipakilala ka sa iba pang mga pangunahing tauhan gaya ng sa totoong kuwento Dahil para sa akin

Para sa babaeng nanakit sa kanya,

Kagabi, muli kaming nag-away. Hindi dahil sayo, wag assumera. Dahil sa away na iyon nakita ko yung lalim ng sugat na naidulot mo sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit ako sumulat. Hindi ako papakaipokrita kasi may mga kasablayan din naman ako gaya mo. Hindi ko lang maintindihan kung saan mo kinukuha ang lakas ng loob mong magpanggap na ayos lang ang lahat sa kabila ng pagdurog mo sa kanya. Hindi ko maintindihan kung saan mo nahuhugot yung pag-asta mong magkaibigan kayo pagkatapos mong iwan syang gulong gulo. Alam mo, may napagtanto ako. Tayong mga babae sa anumang hiwalayan, higit na mas matatag at mas mabilis makabawi. Tayong mga babae, akala natin walang impact yung mga heartbreaks na nadudulot natin sa mga lalaki. Ngayon napatunayan ko na. Hindi dahil mahal ka pa nya kung hindi dahil patuloy siyang hinahabol ng magaganda at masasasama nyong alaala. Sa mga magagandang alaala nyo, naaalala nya lahat ng panghihinayang sa mga inilaan nya para sa iyo. Sa mga mapapait, sinugat sya nito

Ako naman

Life - 1 Me - 1 Hindi na kita palalamangin.

Strike 1

Life, Best of Three tayo. Ngayon, napuno mo ako. Naitulak sa dulo. Nakaisa ka na sa akin. Life - 1 Me - 0

Mahal kong puso

Mahal kong puso, Ang sakit ng pagtibok mo ngayon. Sa bigat nito, dumadagundong sa puso ko. Masakit pero gusto ko munang tiisin. Lahat ng posibleng gugulo sa aking isip. Kasi ganito yan, puso. Nagmamahal ka eh. Sa kung anumang paraan at uri. Nagmamahal ka. Ang problema mo, puso, masyado kang nagpapadala sa dikta ng isip mong may trauma na sa mga kabiguan mo. Masyado kang nagpapadala sa magulo mong emosyon. Kaya mahal kong puso, kumalma ka muna. Kausapin mo rin ang kapatid mong si utak. Pag-usapan nyo nang maigi kung saan ba kayo papunta. Sa ikadudurog ng damdamin o sa ikasasakit ng ulo? Sa ikabubuti ng pakiramdam o sa ikatatahimik ng isip? Mahal kong puso, baka hindi mo kailangang mali. Ang kailangan mo lamang ay patuloy na tumibok. Patuloy kang magbigay ng buhay gaano man kabigat ang pagdagundong mo. Patuloy kang tumibok nang dumaloy nang tuloy-tuloy ang dugo. Malay mo, umabot ito sa taong mahal mo. Malay mo lang.

Lonely

Hi Blog. Oh alam mo na kung bakit ako nandito di ba? Alam mo namang sa mga panahong sobrang lungkot ko, ikaw ang takbuhan ko. Aaminin ko, ginagamit lang kita lagi. Sa totoo lang, walang nakakaintindi kung gaano ako kalungkot ngayon. Yung nakakapanghinang lungkot. Yung sa sobrang lungkot gusto ko nalang hindi na magising. Siguro, may dalawang linggo ko nang hinihiling yun. Alam mo yung pakiramdam na mahal ka nila kasi may pakinabang ka. Mahal ka nila kasi may silbi ka. Haha. Parag tanga lang. Nahuhuli ko yung sarili kong tinitimbang ba kung sulit na maluklok sa pinakadulo ng impiyernong nag-iisa dahil sa pagpapakamatay kaysa habang nabubuhay ka para kang araw-araw pinapatay yung diwa ng natitira kong pag-asa at pagmamahal sa sarili. Minsan lumamang yung pagnanais na mag isa nalang ako.. Sa gitna ng kalaliman ng kalungkutang ito. Kapag nawala kaya ako, maiiyak sila? o Patuloy nila akong sisisihin. Patuloy nila akong pupunahin. O dun nalang nila makikita mga kabutihang nagawa ko (k

Ikaw na Perpekto

Oo, ikaw na perpektong hindi nakakakita ng kagalingan ng iba, ikaw nga. Sobrang dami kong sinulat bago ko ito nilathala. Hindi karapat dapat na gawin kong imortal ang aking galit sayo. Hindi ka karapat dapat. Di bale nalang, happy mother's day sayo.

Kamot

Meron ako nito. They are tiger marks of those who braved pregnancy. Stretchmarks. Kamot. Kahit gaano pa pagandahin ito, eye sore sya sa tiyan. Kasi kung proud marks yan ng pregnancy, bakit nga artista wala? Bakit may mga procedures para tanggalin yun? Bakit walang naglalakad na nakacroptop na kita ang mga kamot nya sa tiyan.. Isa mang paalala ito ng magandang pangyayari sa isang babae, isa rin itong paalala. Para sa akin, paalala sa mga katangahan ko. Paalala sa akin at sa iba na hindi ako karapat-dapat sa maraming pagkakataon. Paalala sa aking baka wala nang magmahal sa may makamot na tiyan. Kung meron mang titingin higit sa mga kamot na yan. Kung meron mang hindi pa higit na kakamutin ang mga kaakibat nitong mapait na alaala ng kapariwaraan. Kung meron mang magmamahal sa akin higit sa mga kamot na yan. Sana hindi nya ako sukuan.

Finally Home

Image
After a year, andito kami magkakasama ulit. Namiss ko ito. Simula na ng maraming bonding moments. Simula sa Bataan papuntang Subic. SUMMER NA NGA!! keep it coming...

Dalawang Uri ng May Kapansanan sa Mata

Kahapon, sinamahan ko si Joeser magsimba sa National Shrine of Padre Pio sa may Sto. Tomas, Batangas. Kaarawan kasi nya. Kasama ang isa pa nyang kaibigan na si Golda, tumungo kami sa simbahan at dumalo sa misa. Kung tama ang pagkakatanda ko, Father Arvin ang pangalan ng pari. Medyo quota yata kami sa mga Arvin ngayon kasi yung waiter na kamukha ni Jake Ejercito sa Max's Sta. Cruz yun din ang pangalan. Naalala kong biruan pa namin ni Joeser, sabi ko ay magpapa-cute ako sa waiter sabay kuha ng phone nya at aakmang tatawagan si hubs. Going back... Sobrang tagal ko nang hindi nakakadalo ng misa kaya medyo nostalgic na di mo maintindihan. Nung mga panahong iyon naisip kong hindi na ako sanay at hindi ko nakikita ulit na magiging sanay ako sa buong misa. Ganun pa man, nakinig ako nang maigi lalo na sa mga pagbasa. Ang unang pagbasa ay ang pagpili sa bunsong anak ni Jessie ng Panginoon (si Joseph the Dreamer yata ito) sa pamamagitan ng propetang si Samuel. Ang pangalawa naman ay ang

Hang Over

Grabeng sakit ng ulo ko! Kahit ganun, masaya pa rin akong kasama sila. Limang mucho. Dalawang lalaking mahalaga sa akin. Walang katapusang kuwentuhan, tawanan at dramahan. Josh, alam ko mababasa mo ito. Advanced Happy Happy birthday. Salamat sa mga libreng makeup, plantsa, etc. etc. Salamat sa pagtitiwala sa akin. Salamat sa pagpapasok sa akin sa 'very exclusive' personal circle mo. Lagi mong tandaang andito ako para sa iyo. Alam mo namang ikaw ang aking Barbs in San Pablo. Kung anumang pinagdadaanan mo, wag tatambayan ha? Hubs, di ko sure kung mababasa mo ito. Comment ka ha para alam ko.Hahahaha. Salamat sa pagiging andyan palagi lalo na sa pagpunta dahil sa pagdrama ko na super stressed ako. Pero totoo yun. Nung nakita kita sa labas ng pinto napawi ang lahat ng isipin ko. Akala ko yakapsule at kisspirin mo ang sagot, grabe, ngiti mo pa lang pala. Sana ganyan ka palagi. "Tsalamat tsa lahat ng contsern at love mo tsa akin."  (sa tono nung nasa Hunter X Hunter)

Salamat

Salamat kasi sa kabila ng ulan mas pinili mong bumyahe kahit mababasa ka ng higit isang oras mapawi lang ang kalungkutan at stress ko.  Salamat kasi pinaparamdam mo sa akin kung gaano ako ka-espesyal sayo. Salamat kasi pinapatawa mo ako nang maraming marami.  Salamat kasi mahal mo ako. Sana di ka magbago at patuloy mo akong mahalin. Mahal din kita. 

The Secret

Alam mo yung prinisipyo ng "The Secret"? Sabi dun, "The universe conspires to fulfill your heart's content." Parang ganun. You become what you thought you will be. Kapag sinasabi mong magiging ganun ka, magiging ganun ka. Kapag sinasabi mong hindi ka magiging ganun, magiging ganun ka pa rin. Ang gulo no? In short, positive man o negative ang framing mo ng thoughts mo, the fact na naisip mo sya magiging ganun nga.. Ako gusto ko maging excellent sa lahat ng aspeto.  Yan ang secret ko. At please universe pakitupad!!!

Isolation

Alam mo yung gusto mo nalang i- isolate sarili mo. Mula sa lahat ng stressful na nangyayari sa buhay mo. Feel ko ngayon mag isa ako. Oh well, mag-isa naman talaga ako. Kahit dati pa. Hay... Nakakainis itong mood na ito. Gusto ko nalang matapos ang linggong ito. Matapos na sana ang taong ito.. Kakalimutan ko lahat ng stress na ito, promise!!! Iyan kasi hilig ko magcramming.. Anyways, less than a week to go.

Genuine

"Genuine pa ba ako sayo?" "Hindi ko alam." Salamat at nagkaroon ng ganitong pagkakataon. Maghihilom ako. Bubungkalin ko ang ugat ng sama ng loob at wawalisin ko palayo ang mga duming alaala. Magmamahal ako nang walang pader, walang pag-aalinlangan. Sa kabila ng papikit kong mata, buhay ang aking diwa..

Expectation

Ang hirap umasa. Ang hirap magtiwala. Pero likas sa ating sa kabila ng paulit-ulit na pagkabigo, magtitiwala pa rin tayo. Kakapit sa pag-asang magbabago din naman ang takbo ng buhay. Pero sa patuloy na pagkapit sa pag-asang iyon, di natin namamalayang may expectations na. Hindi naman ako pababayaan nun.. Hindi naman ako lolokohin nun.. di naman ako sasaktan nun. Hindi naman ako bibiguin nya. Alam mong inaasahan mo na yun. Kampante ka na. Hanggang mangyari muli. Kelan ba susuko ang pagod nang puso? Siguro hindi susuko. Titigil lang umasang makakamtan ang mga inaasahang tinanim sa isip. Sa pagtigil ng puso sa gawaing iyon, magsisimulang magmahal ng walang kondisyon at kapalit. Sana umabot na ako dun.

Ulirang Award

Bukod sa pagiging late, eto pa ang isa kong pagsusumikapan. Grabe ang away namin ni Jio kanina. Malaki sa mga inaasal nya kasi kasalanan ko. Di ako naging mabuti sa kanya. Magsusumikap akong maging mabuti. San mapanindigan ko.

Sampaloc

Kapag nandito ako sa tabi ng lawa ng Sampaloc, ipinaalala nito ang dahilan kung bakit gusto ko rito sa San Pablo. Yung katahimikan ng lawa ay patuloy na pinaaalalahan ako na sa kabila ng gulo sa loob ko, kayang maging mapayapa ng paligid. Nakakakalma. Nakakapalimot. Nakakamangha. Sa kabila ng madaming hindi magagandang nangyayari sa buhay natin, marami rin ang magagandang bagay sa paligid natin. gaya nitong lawang nasa harapan ko ngayon.

I am sorry I am late

Eto ang unang sakit na aking gagamutin--pagiging huli sa klase. Madalas, pinaghihintay ko ang aking mga kaibigan kapag may tagpuan. Ang sama ko. Ngayon, sisikapin kong hindi na. Blog, try ko talagang hindi na. Pahahalagahan ko na ang oras ng iba gaya ng pagpapahalaga nila ng oras ko. Hindi na ako mahuhuli. Sa tagpuan. sa klase. sa usapan. sa pagmamahal. sa buhay.

Ngayong Araw na Ito

Sa harap ng kalaliman ng madaling araw, sumumpa ako. Sumumpa ako sa maraming huli. Sumumpa ako sa maraming pagwaksi. Sumumpa ako sa maraming pagtaliwas. Sumumpa ako sa maraming pag-iwas. Bakit? Madalas, kaakibat ng kagustuhang magbago ay ang masakit na damdamin ng kabiguan. Nakatatawang isiping sa pagtigil ko sa mga baluktot na gawain at pag-iisip, dulot ito ng kabutihan. Mga magagandang nangyayari sa aking buhay sa kabila ng hindi ako karapat-dapat. Naiisip ko, sa gago kong ito patuloy pa rin akong pinagpapala. Iniisip ko kung ganun, imbes na magloko, sisikapin kong magtino. Para makahabol sa maayos na buhay. Para makahabol sa mga nawalang panahon. Para makahabol sa kabutihan ng iba at ng Diyos sa akin. Susubukin ko po talaga.