Posts

Showing posts from November, 2017

Saloobin 4

Tama na po. Ang sakit sakit na... Gusto ko nang matapos lahat ng sakit. Malapit ko nang sukuan ang lahat. Sana bumalik ako sa post na ito at tawanan ang sarili ko dahil nalagpasan ko ang araw na ito. Sana dumating yung panahong maayos na ang lahat. Baby, kapit ka lang.. Sa dami mong pinagdaanang emosyon kasama ako, di tayo mag iiwanan. Mahal na mahal kita.

Bakit?

Bakit parang utang natin sa mundo ang maging masaya na ang kabayaran ay walang katapusang luha? Bakit parang kelangan natin bayaran ang araw ng kadiliman kapalit ang liwanag nya sa umaga? Bakit parang kasalanan natin ang pagbuhos ng ulan sa pagngangalit ng langit dahil sa nilasap natin ang mga maaliwalas na panahon? Bakit parang kailangan nating namnamin ang bawat sakit na tumatarak sa dibdib kahit pilit itong kinukubli ng isip? Marahil.. Hindi kasi natin ito ikamamatay kahit gaanong pasakit ang ating aabutin. Bagkus, pagtitibayin tayo ng madilim at galit na langit, patatatagin sa paniningil ng araw at mundo at palalambutin ang nagmamatigas nating mga puso. Sapat para masaksihan at mapagtantong hindi pa tapos ang lahat.. ---- Unang beses kong sumulat ng tula para sa karanasan ng isang kaibigan. Efren, kapit ka lang. Napakabuti mong bata. Hindi ka pababayaan ng May Kapal. :-)

Saloobin 3

Hi November! Eto yung post, sa tagal-tagal ng panahong hindi ako pumunta sayo para maglabas ng hinaing sa sobrang bigat ng dibdib o kaya dahil wala akong mapagsidlan ng sobrang kasiyahan. Eto yung post, sakto lang ang lahat. Walang lungkot wala ring saya. Neutral. Walang pakiramdam ng pagdadamot, wala rin namag pakiramdam ng pagpaparaya. Wala talaga. Minsan napapaisip ako, nasan na ba talaga ang puso ko ngayon? Sa panahong ito, tahimik ang aking diwa. Walang bumubulabog. Walang magulong pag iisip. Katahimikan lang. Hindi naghahanap at hindi rin nagpapabaya. Sa kasalukuyan, nasa ground zero ako. Walang nahuhukay at wala ring naitatayo. Sa panahong ito, nagtatanim ako. Nagtatanim ako ng mga punlang pagmamahal na nakaugat sa pagmamahal sa sarili. Sana sa pag usbong nito, mas maging matatag ako para magkaroon ng kapasidad na magmahal nang buo--hindi lalabis at hindi rin magkukulang. PS. Salamat, Paulo Cuelho. Sa mga magaganda mong akda. Ang "The Zahir" ang nagpapanati