Posts

Showing posts from June, 2012

Tao nga naman..

Napakadali para sa ating humusga. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, dahil na rin sa kaakibat na emosyon ng bawat sitwasyong nangyayari sa ating buhay. Ilang beses na akong nakapanghusga.Manood nga lang ako ng TV andami ko nang nahusgahan. Hindi ko man alam ang tunay na pangyayaring nakapaloob sa bawat balita, nanggagalaiti na ako sa inis. Isang magandang halimabawa ay dito sa aking tinitirhan na boarding house. Merong babae rito na tinatawag ng isa sa amin Alta Gracia. Madalas daw kasi kung sino-sino ang kasama nyang lalaki. Halo-halo ang nakatira rito.May puro babae, puro lalaki at pamilya sa iba't ibang kuwarto. Ang masaklap nito, nakita si Gym (tawag din sa kanya dahil nagtatrabaho sya roon) na lumabas sa kanyang kuwarto kasama ang isa sa mga onting lalaking nakatira dito. Mas masaklap nito ay yung mismong may-ari ang nakakita. Simula noon, lagi na lamang sya ang pinag-uusapan.Lagi na lamang sya ang laman ng mga usap-usapan. Minsan, naiinis ako sa kanya. Madalas, naaawa. Naiisip