Tao nga naman..

Napakadali para sa ating humusga. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, dahil na rin sa kaakibat na emosyon ng bawat sitwasyong nangyayari sa ating buhay.

Ilang beses na akong nakapanghusga.Manood nga lang ako ng TV andami ko nang nahusgahan. Hindi ko man alam ang tunay na pangyayaring nakapaloob sa bawat balita, nanggagalaiti na ako sa inis. Isang magandang halimabawa ay dito sa aking tinitirhan na boarding house. Merong babae rito na tinatawag ng isa sa amin Alta Gracia. Madalas daw kasi kung sino-sino ang kasama nyang lalaki. Halo-halo ang nakatira rito.May puro babae, puro lalaki at pamilya sa iba't ibang kuwarto. Ang masaklap nito, nakita si Gym (tawag din sa kanya dahil nagtatrabaho sya roon) na lumabas sa kanyang kuwarto kasama ang isa sa mga onting lalaking nakatira dito. Mas masaklap nito ay yung mismong may-ari ang nakakita.

Simula noon, lagi na lamang sya ang pinag-uusapan.Lagi na lamang sya ang laman ng mga usap-usapan. Minsan, naiinis ako sa kanya. Madalas, naaawa. Naiisip ko papaano kung tunay naman nilang gusto ang isa't isa? Papaano kung higit sa tawag ng laman ay tawag ng puso? Nakita ko kung paano ituring ng lalaki si Gym. may paggalang. Kung tutuusin, kung meron mang may karapatang balahurain sya, walang iba kundi yung lalaki. (pero sa totoo lang, wala namang taong karapat-dapat mambastos ng iba)

Sabi nga ng nabasa kong kasabihan, ang tao huhusgahan ka batay sa ginawa mo at hindi sa intensyon mo. Parang yung, "The end doesn't justify the means."

Tuloy napapaisip ako lalo ukol sa mga desisyong ginagawa ko nitong mga nakaraang mga araw/linggo. pero kulang ang blog na ito para sa panibagong usapan na iyon.

Pakiramdam ko, madalas akong nahuhusgahan. Ang malaking tanong, dapat ba akong magpaliwanag??

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14