Una

Unang araw ng Agosto ng 2014. Unang post ko sa taon ding ito.

Ayokong simulan ng hindi maganda ang una dahil malas daw yun. Kailangan laging good vibes kaya bukas nalang ako maghihimutok dahil siguro naman pwede nang maghalo ng kakarampot na bad vibes di ba?hahaha.

Dahil usapan ito ng una, naisip kong magsulat nalang tungkol sa aking mga una:

Unang araw ko sa San Pablo.Lumagpas pa ako. Eh dapat sa SM ako bababa, sa Medical ako naibaba ng bus na inaway ko pa na naaway din ako ng kikitain ko dahil lagpas ako at medyo malayo na ang aking binabaan.

Unang beses kong makita si Jio. sobrang ginhawa at saya kasi ang lusog lusog nya kaya lang ang sakit talaga ng hiwa ng doktor kaya ayun sinaksakan pa rin ako ng pampatulog.

Unang pagkikita namin ni Rusty. hindi ako na-love at first sight. hahaha.

Unang beses ko ay hindi sa taong minamahal ko kundi sa taong mamahalin ko pala. Akala ko di na yun mauulit eh wala eh iba pala ang kamandag ko.Yun nga lang di sya happy ending.

Unang pagkakataon sa setup na ito. Hindi pa rin ako sigurado.

Walastik. Parang iba pa rin ang tono ng post ko.

Maganda pa ngang itutulog ko nalang ito.

Sana ang post na ito ay hindi una at huli.




Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?