It's a...

Di ko akalaing andito ulit ako sa punto ng paghihintay. Nag aabang ulit para mapuyat at magbantay. At habang naghihintay, lumulobo ang tiyan, nanakit ang likuran at nangangalay ang buong katawan. 

Iba talaga ang instinct ng isang ina. Malakas talaga ang pakiramdam ko kung ano ang kasarian nya. Sobrang in denial lang. hahaha. Magaling talaga ang Panginoon. Binigyan nya kami ng lalaki kasi ganun yung nature of work ng daddy nya. Iba kasi kapag babae ang anak, kelangan talaga andyan palagi ang tatay para iparamdam ang security niya. At danas ko yan. 

Baby, gaya nga ng sabi ko sayo palagi, mapa-girl o boy ka man, lumabas kang normal and healthy, masaya na ako. Mahal na mahal kita. Kahit madalas nasa site si daddy, aalagaan kita nang mabuti. Kayo ni kuya Jio. 

Nilalakasan ko ang loob ko pero sa totoo lang, natatakot ako. Di biro ang manganak. Sana po Panginoon, huwag Nyo po kaming pababayaang mag-anak. 

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12

Saloobin 9