Saloobin 3

Hi November!

Eto yung post, sa tagal-tagal ng panahong hindi ako pumunta sayo para maglabas ng hinaing sa sobrang bigat ng dibdib o kaya dahil wala akong mapagsidlan ng sobrang kasiyahan.

Eto yung post, sakto lang ang lahat. Walang lungkot wala ring saya. Neutral. Walang pakiramdam ng pagdadamot, wala rin namag pakiramdam ng pagpaparaya. Wala talaga. Minsan napapaisip ako, nasan na ba talaga ang puso ko ngayon?

Sa panahong ito, tahimik ang aking diwa. Walang bumubulabog. Walang magulong pag iisip. Katahimikan lang. Hindi naghahanap at hindi rin nagpapabaya.

Sa kasalukuyan, nasa ground zero ako. Walang nahuhukay at wala ring naitatayo. Sa panahong ito, nagtatanim ako.

Nagtatanim ako ng mga punlang pagmamahal na nakaugat sa pagmamahal sa sarili. Sana sa pag usbong nito, mas maging matatag ako para magkaroon ng kapasidad na magmahal nang buo--hindi lalabis at hindi rin magkukulang.

PS. Salamat, Paulo Cuelho. Sa mga magaganda mong akda. Ang "The Zahir" ang nagpapanatili ng aking ulirat. Salamat sa Panginoo at ginamit ka nya.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14