Bakit?

Bakit parang utang natin sa mundo ang maging masaya na ang kabayaran ay walang katapusang luha?

Bakit parang kelangan natin bayaran ang araw ng kadiliman kapalit ang liwanag nya sa umaga?

Bakit parang kasalanan natin ang pagbuhos ng ulan sa pagngangalit ng langit dahil sa nilasap natin ang mga maaliwalas na panahon?

Bakit parang kailangan nating namnamin ang bawat sakit na tumatarak sa dibdib kahit pilit itong kinukubli ng isip?

Marahil..

Hindi kasi natin ito ikamamatay kahit gaanong pasakit ang ating aabutin.

Bagkus, pagtitibayin tayo ng madilim at galit na langit,
patatatagin sa paniningil ng araw at mundo
at palalambutin ang nagmamatigas nating mga puso.

Sapat para masaksihan at mapagtantong hindi pa tapos ang lahat..

----
Unang beses kong sumulat ng tula para sa karanasan ng isang kaibigan. Efren, kapit ka lang. Napakabuti mong bata. Hindi ka pababayaan ng May Kapal. :-)

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14