Lumipas na naman ang Araw ng Kalayaan

Anim na taon na rin ang nakalipas ng magkaroon ng mas malalim na kahulugan sa akin ang Araw ng Kalayaan.

At nitong huli, lumipas na naman ang araw na ito gaya ng iba pa. Ngunit, ang paglipas nito ay higit na mas mapait kaysa mga ordinaryong araw. Binibilang ng bansa ang mga taon ng kasarinlan mula sa mga mapang-abusong mananakop habang binibilang ko naman ang mga taon ng pagkabilanggo sa pangungulila sayo...

Sana hindi na dumating pa ang Araw ng Kalayaan bilang paalala ng lahat ng pagmamahal na hindi ko naibuhos sa iyo. Sana hindi na ito dumating na parang magnanakaw sa gabi upang kamkamin ang lahat ng kasiyahang ipinangkukubli sa pangungulila ko sayo.

Malungkot. Napakalungkot. Pero, kapit lang mahal. Darating din ang panahong sasalubungin natin ang Araw ng Kalayaan at ipagdiriwang ang ating pagsasama na panalangin kong di na magkahiwalay pang muli.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?