Nasaan na ang pagmamahal ko?

Pagmulat ko, nawawala na
Tiningnan ko sa kisame, wala
Hinanap ko sa ilalim ng unan, wala
Ipinagpag ang buong higaan, wala

Pinagmasdan ko ang iyong larawan
Na tila isang istranghero sa magasin
Binasa ang iyong mga liham
Na parang artikulo sa dyaryo

Siguro habang tulog ako
Hinugasan sa aking mga nakakubling luha
Ang puso kong balot ng matamis na pagtingin
Na ngayo'y napalitan ng tabang at alat

Siguro habang tulog ako
Itinapon ng aking utak ang masasayang alaala
At itinira ang lahat ng poot 
Para mawala ang lahat ng pagmamahal

Siguro, hindi na talaga kita mahal
Magkikita pa naman tayo mamay
Sana, hindi mo mahalata
Sana nga

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9