Onlayn Labing Labing

Nung nagpost ako ng status tungkol sa hirap umibig, ni-like mo pa

Nagpicture akong laslas ang braso at in-upload sa instagram, nag-heart ka pa.

Nagtweet ako sa kamanhidan ng mga taong minamahal, ni-retweet mo pa.

Di ko alam kung alam mo bang lahat ng iyon ay patungkol sayo o sadya kang tanga.

Sa panahong tinatawagan kita sa skype, line at viber dahil kailangan ko ng kausap, ring lang nang ring

Sa panahong umaabot ng daan-daang bagong mensahe ang pinadadala ko sayo sa messenger at ginagawa ko ang flood-likes nang paulit-ulit, deadma ka pa rin

Sa panahong pinadalhan kita ng relationship request na inabot na ng maraming monthsaries natin, sa iyo ay pending pa rin

Ngayon
Sinabi mong ako'y patuloy mong mamahalin, seenzone ka sa akin

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14