Para sa babaeng nanakit sa kanya,

Kagabi, muli kaming nag-away. Hindi dahil sayo, wag assumera. Dahil sa away na iyon nakita ko yung lalim ng sugat na naidulot mo sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit ako sumulat.

Hindi ako papakaipokrita kasi may mga kasablayan din naman ako gaya mo. Hindi ko lang maintindihan kung saan mo kinukuha ang lakas ng loob mong magpanggap na ayos lang ang lahat sa kabila ng pagdurog mo sa kanya. Hindi ko maintindihan kung saan mo nahuhugot yung pag-asta mong magkaibigan kayo pagkatapos mong iwan syang gulong gulo.

Alam mo, may napagtanto ako. Tayong mga babae sa anumang hiwalayan, higit na mas matatag at mas mabilis makabawi. Tayong mga babae, akala natin walang impact yung mga heartbreaks na nadudulot natin sa mga lalaki. Ngayon napatunayan ko na. Hindi dahil mahal ka pa nya kung hindi dahil patuloy siyang hinahabol ng magaganda at masasasama nyong alaala. Sa mga magagandang alaala nyo, naaalala nya lahat ng panghihinayang sa mga inilaan nya para sa iyo. Sa mga mapapait, sinugat sya nito na nagpunla ng galit.

Alam ko, nanghihinayang ka. Yung sa inyo, yun na eh. Swerte mo na eh. Minahal ka nya talaga. Kaso wala eh, nakampante ka na kahit gaguhin mo sya maghahabol at maghahabol sya sayo. Siguro di ka na rin masaya kasi sa kanya ka lang. Nakakatamad na. Nawala na yung kilig. Nawala na yung lambingan. Pero minahal ka talaga nya. Walang halong keme. Ngayon may iba ka na. Nararamdaman kong hindi ka masaya. Naaalala mo yung mga pinagsamahan nyo kaso huli na.

Ganun talaga. Nasa huli ang pagsisisi. Payo ko sayo. Bitiwan mo na sya. Umalis ka na sa pantasya mong umiikot pa rin ang mundo nya sayo kasi hindi na. Huwag ka nang magparamdam pa. Sa tuwing nandyan ka pinapaalala mo lahat ng sakit at galit. Kung nirerespeto mo ang naging relasyon nyo, hayaan mo syang maghilom. Hayaan mo syang lumaya. Hayaan mo syang muling magmahal. Hayaan mo na sya.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14