Saloobin 2

Andito ako sa puntong wala eh.. durog na talaga.. yung pinagpatchi patchi ko para mabuo hindi na kinaya..Isang pangyayari lang makapagpaalala di ko kayang hindi maapektuhan.

Hindi talaga ako martir.

Lahat ng hindi ko masabi sayo, dito ko ilalabas. Kung sayo mababaw lang at tapos na yun. Yun din ang akala ko. Yun din yung gusto kong panghawakan kaso hindi yun yung nararamdaman ko.

1. Kapalit-palit ako. Siguro yun na yun. Kagaya nila dahil eto lang naman ako, aminado akong kapalit palit talaga ako. Pero kahit gaano kasakit, madali naman akong kausap. Sana bago mo ako piniling saktan, sinabi mo nalang na gusto mo na talaga akong palitan kasi hindi na masaya.. kasi hindi na gaya ng dati..

2. Ang gago ko. Kasi nagpadurog ako ng ganito. Ang hirap bumangon sa totoo lang.. Ang hirap talaga. Pinasakay mo ako sa mga wala mong lamang pangako. Dinala mo ako sa mga kunwari mong kongkretong plano para sa atin at magiging anak natin. At sa lahat ng yun, naniwala ako. Hindi ko alam kung san banda ka dun nagpakatotoo o baka wala talaga..

3. Iba ka na at iba na rin ako. Nung nakilala kita at hindi mo pa nakukuha pagmamahal ko at tiwala, man of action ka eh. Ngayon, boy of words.. Anyare? Pasensya na kasi medyo sisisihin kita kung bakit ako nag iba.. Bukod sa hormonal imbalance na bunga nating dalawa, dinurog mo ako.medyo solid eh. Di ko alam paano ko ibabalik yung ako kasi hindi ako ito eh.

4. Hindi pa pala kita napapatawad. Akala ko nagbago na ako pero hindi pa pala kita napapatawad. Hirap pa rin ako magpatawad. Sinusubok kong kalimutan pero wrong strategy. Parang bangkay na pilit tinatabunan pero kapag may nakahukay kahit gaano kaliit na puwang, umaalingasaw.. Maling itago ko yung sakit kasi ansakit sakit talaga tapos etong blog ko lang natatakbuhan ko kasi pinoprotektahan kita sa panghuhusga ng iba.

5. Magmamahal muna ako. pero hindi ng iba.. Mamahalin ko muli ang sarili ko. Masyado ko atang nalaan sayo kaya ganito ako kaapektado. Bubuuin ko muna muli ang sarili ko kasabay ng patuloy na pagbuo ng anak natin. Mamahalin ko muna ako. Baka kapag ayos na masigurado kong matatanggap ko na rin pagmamahal mo sa akin. Magkakalaman ulit yung mga I love you mo at magiging masaya akong makita mga larawan natin ulit.

Sa ngayon, pag iigihin ko yung mga bagay na dapat kong pag igihin. mahal pa rin kita. sabi ko nga, di na magbabago yun.  sa ngayon mas masarap na mahalin kita gaya ng pagmamahal ko sa sarili ko na kaya kong balewalain lahat ng kapraningan at takot na lumalason sa puso at isip ko..


Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14