Lonely

Hi Blog.
Oh alam mo na kung bakit ako nandito di ba? Alam mo namang sa mga panahong sobrang lungkot ko, ikaw ang takbuhan ko. Aaminin ko, ginagamit lang kita lagi.
Sa totoo lang, walang nakakaintindi kung gaano ako kalungkot ngayon. Yung nakakapanghinang lungkot. Yung sa sobrang lungkot gusto ko nalang hindi na magising. Siguro, may dalawang linggo ko nang hinihiling yun.

Alam mo yung pakiramdam na mahal ka nila kasi may pakinabang ka. Mahal ka nila kasi may silbi ka. Haha. Parag tanga lang.
Nahuhuli ko yung sarili kong tinitimbang ba kung sulit na maluklok sa pinakadulo ng impiyernong nag-iisa dahil sa pagpapakamatay kaysa habang nabubuhay ka para kang araw-araw pinapatay yung diwa ng natitira kong pag-asa at pagmamahal sa sarili. Minsan lumamang yung pagnanais na mag isa nalang ako.. Sa gitna ng kalaliman ng kalungkutang ito.

Kapag nawala kaya ako, maiiyak sila? o Patuloy nila akong sisisihin. Patuloy nila akong pupunahin. O dun nalang nila makikita mga kabutihang nagawa ko (kahit papaano.) Yung huli, malabo. Sobrang labo.


Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14