Mahal kong puso

Mahal kong puso,

Ang sakit ng pagtibok mo ngayon. Sa bigat nito, dumadagundong sa puso ko. Masakit pero gusto ko munang tiisin. Lahat ng posibleng gugulo sa aking isip.

Kasi ganito yan, puso. Nagmamahal ka eh. Sa kung anumang paraan at uri. Nagmamahal ka. Ang problema mo, puso, masyado kang nagpapadala sa dikta ng isip mong may trauma na sa mga kabiguan mo. Masyado kang nagpapadala sa magulo mong emosyon.

Kaya mahal kong puso, kumalma ka muna. Kausapin mo rin ang kapatid mong si utak. Pag-usapan nyo nang maigi kung saan ba kayo papunta. Sa ikadudurog ng damdamin o sa ikasasakit ng ulo? Sa ikabubuti ng pakiramdam o sa ikatatahimik ng isip?

Mahal kong puso, baka hindi mo kailangang mali. Ang kailangan mo lamang ay patuloy na tumibok. Patuloy kang magbigay ng buhay gaano man kabigat ang pagdagundong mo. Patuloy kang tumibok nang dumaloy nang tuloy-tuloy ang dugo. Malay mo, umabot ito sa taong mahal mo. Malay mo lang.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12

Saloobin 9