Kamot

Meron ako nito. They are tiger marks of those who braved pregnancy. Stretchmarks. Kamot.

Kahit gaano pa pagandahin ito, eye sore sya sa tiyan. Kasi kung proud marks yan ng pregnancy, bakit nga artista wala? Bakit may mga procedures para tanggalin yun? Bakit walang naglalakad na nakacroptop na kita ang mga kamot nya sa tiyan..

Isa mang paalala ito ng magandang pangyayari sa isang babae, isa rin itong paalala.

Para sa akin, paalala sa mga katangahan ko. Paalala sa akin at sa iba na hindi ako karapat-dapat sa maraming pagkakataon. Paalala sa aking baka wala nang magmahal sa may makamot na tiyan.

Kung meron mang titingin higit sa mga kamot na yan. Kung meron mang hindi pa higit na kakamutin ang mga kaakibat nitong mapait na alaala ng kapariwaraan. Kung meron mang magmamahal sa akin higit sa mga kamot na yan. Sana hindi nya ako sukuan.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14