Dear Blog # 1

Andami-daming kuwento sa isip ko ngayon. Wala na akong mapagsabihan na iisa o mangilan-ngilang tao lang.

Gaya nung elementary, may Angela. Nung highschool, may Angela, Analia at Phen. Nung college, may Madz at Marian. Lalong lalo nang may Villegas. Nung jf, may Kath at Ivy. Nung tp, may Manjo at April... Lalong lalo na may Villegas.

Akala ko si Kel, magiging bestfriend ko rin sya. Pero hindi ko na sya matakbuhan. Hindi ko na sya mahabol sa layo ng distansya namin. Parang hindi na sya ganun ka interesado sa buhay ko. Parang hindi ko na alam kung nasaan na ba kami. Wala nang madalas na text messages (kasi busy raw sya) wala nang expressions of emotions and feelings (kasi pagod daw sya)

Baka unti-unti na naming inaalis ang isa't isa sa kanya kanyang buhay. Dapat ba kong lumayo na? Dapat ba kong kumapit pa? Saan ako lulugar? Saan ako pupunta? Saan ba ito patungo? Ang bigat sa dibdib. Parang inaatang sa akin yung mamiling umalis o manatili sa walang pagkakahawak.

Ngayon, kaya na naming magtiisan. Marami na syang hindi alam tungkol sa akin. Marami na akong hindi alam sa kanya. Pinipili siguro namin na ganito. Hindi ko talaga alam. Sinabi na nya sa aking walang hihigit sa pagmamahal nya sa pamilya nya. Kahit ako. Hindi ko alam paano ko tatanggapin yun. Alam ko naman yun pero nung sabihin nya sa akin yun parang sampal. Parang hindi na darating yung panahon para sa amin. Hindi na darating yung mga pangako nya. Wala na sigurong darating. 

Siguro panahon na talagang mamuhay na malaya sa mga pangakong napapako. Sa pagtigil sa pakikinig sa mga matatamis na panunuyo. Pasensya na, dyan kasi ako mahina. Sa aspeto ng pag-ibig, dyan ako bobo. 

Kapag hindi talaga pinaghirapan, andaling bitiwan.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?