Dear Blog #4

Waiting game.
Ano na ba sunod naming kabanata?

May bukas pa ba kami. Sa totoo lang, Blog, sa dami ng guys na romantically linked sa akin, sya yung gusto kong huli na. Kumakapit ako kasi ayoko na pong maghanap o matagpuan pa ng iba. Siya na kasi yung sagot sa lahat ng agam-agam ko. Siya na yung nakikita kong swak sa buong ako. Pero, yun din kaya ang iniisip nya? 

Hindi ko alam kung ano pa ang plano nya para sa amin. Nagtext sa umaga buong araw walang paramdam. Hindi siguro niya nararamdan kung gaano kabigat ang nangyayari.

Sa kabila ng sobrang pagkagusto kong mahalin sya, naitutulak nya ako palayo. Ako lang ba o talagang nangyayari ito? Ibang iba na kasi sya...

Kampanteng walang magbabago. Iabandona man nya ako, hindi man sya magparamdam, baliin man nya ang mga pangako nya, hindi man kami magkita ng ilang araw na naging linggo na umabot na ng ilang buwan at hindi ko alam kung kakayanin kong magbilang ng taon o mga taon o kahit dekadang walang nagbabago sa nararamdaman ko.

Hindi nya ba alam ang salitang pagod? Hindi nya ba alam ang salitang bigo? Ang pag ibig ba kayang burahin ang mga ito? Hindi ko alam.. Hindi ako sigurado.

Sa gitna ng mga nangyayari, mahal ko pa din sya. Sa lahat ng kabiguan, siya lang ang gusto kong makasama. Pag ibig ba yun o sadyang katangahan lang?

Waiting game. 
Waiting.
Game.
Baka laro lang pala ang lahat ng ito.
Naghihintayan lang kami kung sino ang susuko sa patuloy na pagkakataya.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?