Dear Blog #2

Sa dami ng kwento ko marami ngayong bumabagabag sa akin...

Simula nung pumuntang States si Villegas, nahihirapan akong makahanap ng taong mapagsasabihan ko ng sama ng loob ko. Yung tipong kailangan ko na talagang magpakatatag, sa pinaka-ibigsabihim ng salita na ito. Nawala na yung karapatan kong maging mahina at malungkot.

Pero, Blog, malungkot ako. Seryosong lungkot. Wala akong mapagsabihan ikaw lang at ang malawak na mundo ng internet na hindi ko naman alam kung sinong nakakabasa. Oo, mundo ng internet, malungkot ako. 

Malungkot ako dahil nasasaktan akong nakikita si Jio nahihirapan sa mga sugat nya...sana sa akin na lang lahat iyon.

Malungkot ako dahil nandyan si Kel pero parang wala naman. Wala akong makapitan. Wala akong masandalan. Sinasabi nya mga problema nya sa akin. Parang kapag ganun, hindi na ako pwede mag-open up sa kanya kasi baka makadagdag pa. Hindi ko alam.

Salamat Blog andyan ka. Di bale, wala ka namang damdamin. Alam kong hindi ka magtatampo kung tinatakbuhan lang kita sa mga panahong ganito.. paano ba yan 4am na babalik na muna ako sa pagtulog.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?