Dear Blog #3

Bakit ang sarap magsulat kapag mabigat ang loob? Bakit mas madaling sumama at mawala sa mga letra sa mga panahong ito? Bakit sa kabila ng maraming kamag-anak, kaibigan at kakilala, higit na pinipiling katuwang ay ang papel at pluma? O sa kalagayan ko, ikaw Blog, ang kasama ko. 

Kung umiinom ka lang, kanina pa kita nayayaya at maghapon tayong magtatagayan. Mula sa mga simpleng tawanan at kababawan hanggang lunurin tayo ng alak sa luha ng kapighatian. Kaso hindi ka umiinom. Kaya sasabayan mo nalang siguro ako at sasabihin, iyan ka na naman nagpapakasawi. Sigurado ka bang iniisip ka nya? Nakakatiyak ka bang piniproblema ka nya? Naaalala ka ba nya o hindi kaya gumagawa ba sya ng plano para maayos ang lahat? 

Walang kasigiraduhan. Gaya ng pag-aalangan mong magpakumbaba ngayon kahit gustong gusto mo na. Gaya ng pangungulila mo sa kanya pero may pagtitimpi ng nararamdaman. Gaya ng pagmamahal mong bumubuhay sayo at kumikitil. Isang malaking kalabuan.

Siguro yan ang sasabihin mo sa akin. Pero, Blog, hindi ka ganyan. Alam kong hindi talaga. Hahayaan mo akog magbuhos ng lahat ng emosyon hanggang maubos ang lahat ng laman ng aking puso. Hahayaan mo akong iimbak sayo lahat ng alaalang parehas kong ayaw bitawan pero gustong kalimutan. Sa walang buhay na ikaw, Blog, pinili kong samahan mo ako.. samahan mo lang ako.. kasi ikaw alam kong hindi ka mawawala hanggang may internet akong kinakabitan at hanggang may battery ang aking cellphone, hindi mo ako iiwan. 

Anu ba yan! Kahit sayo andami pang kondisyon para di mo ako iwan.. Baka mamaya gaya ka rin nila. Sana hindi naman

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?