Ngayong Araw na Ito

Sa harap ng kalaliman ng madaling araw, sumumpa ako.

Sumumpa ako sa maraming huli.
Sumumpa ako sa maraming pagwaksi.
Sumumpa ako sa maraming pagtaliwas.
Sumumpa ako sa maraming pag-iwas.

Bakit?

Madalas, kaakibat ng kagustuhang magbago ay ang masakit na damdamin ng kabiguan. Nakatatawang isiping sa pagtigil ko sa mga baluktot na gawain at pag-iisip, dulot ito ng kabutihan. Mga magagandang nangyayari sa aking buhay sa kabila ng hindi ako karapat-dapat.

Naiisip ko, sa gago kong ito patuloy pa rin akong pinagpapala. Iniisip ko kung ganun, imbes na magloko, sisikapin kong magtino.

Para makahabol sa maayos na buhay.
Para makahabol sa mga nawalang panahon.
Para makahabol sa kabutihan ng iba at ng Diyos sa akin.

Susubukin ko po talaga.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14