Expectation

Ang hirap umasa. Ang hirap magtiwala.

Pero likas sa ating sa kabila ng paulit-ulit na pagkabigo, magtitiwala pa rin tayo. Kakapit sa pag-asang magbabago din naman ang takbo ng buhay.

Pero sa patuloy na pagkapit sa pag-asang iyon, di natin namamalayang may expectations na.

Hindi naman ako pababayaan nun.. Hindi naman ako lolokohin nun.. di naman ako sasaktan nun. Hindi naman ako bibiguin nya.

Alam mong inaasahan mo na yun. Kampante ka na. Hanggang mangyari muli.

Kelan ba susuko ang pagod nang puso? Siguro hindi susuko. Titigil lang umasang makakamtan ang mga inaasahang tinanim sa isip. Sa pagtigil ng puso sa gawaing iyon, magsisimulang magmahal ng walang kondisyon at kapalit.

Sana umabot na ako dun.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12

Saloobin 9