Di ko akalaing andito ulit ako sa punto ng paghihintay. Nag aabang ulit para mapuyat at magbantay. At habang naghihintay, lumulobo ang tiyan, nanakit ang likuran at nangangalay ang buong katawan. Iba talaga ang instinct ng isang ina. Malakas talaga ang pakiramdam ko kung ano ang kasarian nya. Sobrang in denial lang. hahaha. Magaling talaga ang Panginoon. Binigyan nya kami ng lalaki kasi ganun yung nature of work ng daddy nya. Iba kasi kapag babae ang anak, kelangan talaga andyan palagi ang tatay para iparamdam ang security niya. At danas ko yan. Baby, gaya nga ng sabi ko sayo palagi, mapa-girl o boy ka man, lumabas kang normal and healthy, masaya na ako. Mahal na mahal kita. Kahit madalas nasa site si daddy, aalagaan kita nang mabuti. Kayo ni kuya Jio. Nilalakasan ko ang loob ko pero sa totoo lang, natatakot ako. Di biro ang manganak. Sana po Panginoon, huwag Nyo po kaming pababayaang mag-anak.
Habang ang tingin ng buong mundo, masayahin kang tao kasi pala-tawa ka at pala-ngiti. Halos lahat nagiging kagaanan mo ng loob, ang hindi nila alam ang laki ng puwang sa iyong puso. Dahil sa mga panahong gusto mo sanang kasama ang iyong pamilya, nakatalikod sila sayo. Habang tingin nilang lahat, ang tatag tatag mong tao, hindi nila alam sobrang bugbog na ang isip at puso mo. Naghuhumiyaw na nang tama na. Walang handang makinig. Kung meron man, walang nakakaintindi ng sakit at takot na bumabalot sayo. Unti-unti kang pinapatay. Napakasaklap. Habang tingin nila ay napakagaling mo sa halos lahat ng bagay, hindi nila alam na ang bawat umaga pagmulat mo ay mahaba-habang pagkumbinsi sa sariling higit ka sa basurang pakiramdam mo--madumi at kailangan nang idispatcha. Habang himbing ang lahat dahil malaki ang kumpiyansa ng magandang bukas, eto ka nangangambang baka eto na ang huling gabi. Ako iyan. Pero nung nakita ko sa monitor ang mukha mo anak, payapa at himbing. Sa kabila ng dami ...
Pagmulat ko, nawawala na Tiningnan ko sa kisame, wala Hinanap ko sa ilalim ng unan, wala Ipinagpag ang buong higaan, wala Pinagmasdan ko ang iyong larawan Na tila isang istranghero sa magasin Binasa ang iyong mga liham Na parang artikulo sa dyaryo Siguro habang tulog ako Hinugasan sa aking mga nakakubling luha Ang puso kong balot ng matamis na pagtingin Na ngayo'y napalitan ng tabang at alat Siguro habang tulog ako Itinapon ng aking utak ang masasayang alaala At itinira ang lahat ng poot Para mawala ang lahat ng pagmamahal Siguro, hindi na talaga kita mahal Magkikita pa naman tayo mamay Sana, hindi mo mahalata Sana nga
Comments
Post a Comment