Faith

Panananalig.

Nitong mga nakalipas na araw, sinusubok ang aking panananalig. Siguro natatawa habang napapailing na ang Diyos sa akin. Ang gulo ko kasi..

Sinasabi kong nananalig ako sa Kanya pero di naman ako tumitigil kakapangamba. Sabi ko na lahat ng pag-aalala ibibigay ko sa Kanya pero makikinig pa rin ako sa mga bulong ng kapraningan at kung anuman. Papalalimin ang imahinasyon ng ka-negahan hanggang matabunan na ang sinasabi kong panananalig sa kanya ng pag-aalala..

Minsan iniisip ko, ako ang lumalason sa sarili kong pag-iisip.

Kasi ilang beses nang pinatunayan ng Panginoong hindi nya ako pinapabayaan. Dinidinig nya ang aking mga hinaing. Hindi nya ako pinapahamak. Pero nagdududa pa rin ako sa kakayahan Nyang pawiin lahat ng pangamba kasi "He got me covered."

Kaya di rin nakakapagtakang hirap akong magtiwala. Kasi Sya ngang All-knowing and Powerful, napagdududahan ko pa.


Father, bless me with the gift of Faith to entrust everything to You and to You alone. Para di na po Kayo mawindang sa mga kapraningan ko. Amen.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14