Kuwento lang

May nakilala akong lalaki, bes. Taon na ang nakalipas. Itong araw na rin to. Sa akin, fun fun lang. Walang attachment. Ni hindi nya alam tunay kong pangalan. Akala ko gaya lang din sya ng iba.

Nung una ko syang nakita, wala naman masyadong impact. Tropa lang. ganern. Tapos nagbago ang lahat ng nagpasama ako sa kanyang lumabas. Hahaha. Aminado naman akong ako ang humawak sa kamay nya. hahaha. Pero di ko akalain mula nun magbabago ang lahat.

Dun ko napansin yung ganda ng mata nya. Sobrang tamis nyang ngumiti. Ang gentleman pa. Pakiramdam ko bumata ako ng higit sa sampung taon kasi grabe nya ako pakiligin.

Marami na ang nangyari simula noon, bes. Ang hirap idetalye. Kwento ko sa personal pero eto ang clue. Sa unang pagkakataon, nakahanap ako ng katapat. Tinamaan talaga ako. Simula nung nakilala ko sya, di ako tumingin sa iba. Sana ganun din sya.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12

Saloobin 9