Saloobin 7

Kanina, galit na galit sya kasi nung tinanong ko kung sino kausap nya, pinagdududahan ko raw sya. Alam kong mali ako dun kasi alam ko namang subsob sya sa pagtatrabaho kaso di ko maalis ang matakot.

Baka mamaya sa pagkampante ko at pagwawalang bahala, masaktan ulit ako. :-( Sa totoo lang, kapag nangyari yun, hindi ko na kayang magpatawad. Pasensya na Lord pero parang hindi ko na alam saan ko huhugutin yung pagpapatawad.

Minsan (madalas.hahaha) nagdi-daydream ako. Iniisip ko kung anong gagawin ko kapag dumating yung puntong yun.

Alam ko sa sarili kong siya lang yung gusto kong makasama panghabambuhay. Siya na yung huli kong mamahalin. Sa kabila ng katotohanan na iyon, kapag nagawa nya akong lokohin, lalayo ako. Siguro yung sa bata, hindi. Pero yung sa amin, wala na.

Iniisip ko mag-aala Amor Powers ako at matitikman nya ang batas ng mga api. Aasikasuhin ko na lang yung mga bata at tutunghayan ang buhay nya sa malayo. At kapag nakita nya ako ulit, mapagtatanto nyang ako yung mahal talaga nya. Kaso pagdating nun, huli na anf lahat.


Sa kabila ng mga kapraningang thoughts na ganun, mahal na mahal ko sya at ibinibigay ko sa kanya ang seryosong pagmamahal ko. Kaya lagi kong dasal sana ingatan nya ng katapatan at pagmamahal. Kaya nga Lord, kayo na po bahala sa amin.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Saloobin 14