Of Trust and Love

Kagabi,sumuko na yung pumatay dun sa mag-inang nakatira sa Cavite. Apparently, kabit sya nung babae. Si mister nasa ibang bansa at nagtatrabaho, umuwi nitong December. Bago makauwi, nangyari ang karumaldumal na pangyayari.

Pinakita sa balita ang palitan nila ng mga sweet messages, mga malalambing na pictures kasama pa pati anak niya. Sobrang nakakalungkot. Hindi na para sisihin ang babae dahil tingin ko, nangyari na yung pinakamalalang consequence sa pagtataksil nya sa kanyang asawa.

Tumatak sa akin yung sinabi ng mister nya na araw-araw silang mangkausap at nagpapalitan ng I love you sa isa't isa kaya hindi nya pinaghinalaang may kalaguyo ang asawa nya. Sana makahanap na ng peace of mind si Kuya at napakasakit ng nangyari sa kanya.

Nakakarelate ako sa sitwasyon nila.Pero hindi ko man lang naisip kahit kailan na ipagpalit ang asawa kong subsob sa trabaho para sa amin tapos manlalalaki lang ako.. Yung magiging ka-close pa ng anak namin? Ayokong magsalita ng tapos pero kung mahal mo talaga ang isang tao, dapat kasabay nun ang pagiging matapat sa kanya. Marami sigurong dahilan si babae pero kung makukuntento tayo sa panandaliang ligaya, ang second rate nun.

I always pray for all our safety. Lagi kaming gabayang maging matatag, matapat at mapagmahal sa isa't isa. Mahirap man ang magkalayo, walang imposible kapag si Lord ang third wheel nyo.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?