Stolid

showing little emotion or excitement

Yun ang ibig sabihin nun. Nasa dulo na ako ng pagho-holdback ulit. Pakiramdam ko napaka-vulnerable ko. Nandito na ako sa puntong gusto ko nang itago yung nararamdaman ko. Kasi, pakiramdam ko, meron ulit na iba.

Meron ulit nagpapagaan ng loob nya. Meron syang pinopormahan. At hindi ako yun. Well, ano bang kaya ko ipagmalaki? Pakain lang din naman nya ako. Bukod sa makinig sa mga kuwento nya, wala na. Bukod sa pagiging andyan palagi para sa kanya, wala na. Bukod sa mahalin sya, wala na.

Alam ko namang hindi ako yung klase ng babaeng sinasabi ng mundong bagay sa kanya. Kapag naaalala ko yung mga sinabi nya dun sa babae dati, nanliliit pa rin ako kasi totoo naman yun. Hindi ko nga lang akalaing ganun ang tingin nya sa akin at hindi nya tanggap ako bilang ako.

Gusto ko lang malaman, mata sa mata, kung mahal ba talaga nya ako. Kung totoong ako na yung pinipili nya hanggang dulo. Kung totoo yung mga plano nya para sa amin.

Kasi kung sasabihin naman nyang di sya sigurado at may iba syang nagugustuhan, anong magagawa ko. Kung awa lang lahat ng ito kasi di naman talaga sya masamang tao para iwanan ako sa ere habang dala-dala ang anak nya, ano pang masasabi ko dun. Mas masakit ang umasa sa hindi naman pala totoo kaysa mabuhay nang hinaharap yung mapait na katotohanan. The very fact na hindi kami kasal, anong habol ko.

Sa puntong ito, stolid lang muna. Sa iisa lang ako magiging matapat ngayon. Sa Kanyang lumikha ng aking puso na hinayaan kong mabugbog. Sana paghilumin Nya ito.


Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 14

Saloobin 12

Saloobin 9