Saloobin 14

It's been a while, blog. Gusto kong sabihin sayo na God answers our prayers.

Niregaluhan ako ng pinakamamahal kong lalaki ng relo.
Napakaganda nya. Kumikinang at bagay sa aking kamay. (Feeling ko.hahaha) Higit sa ganda ng relo, pinakamagandang regalo nya sa akin ay

KANYANG ORAS. Naramdaman ko yung pagmamahal nya sa akin sa maraming pagkakataong kasama ko sya. Yung hindi hati ang oras nya para sa ibang bagay. Naka-focus sya sa amin nila baby.

Isang paalala rin ang relo nang kanyang katapatan

SA LAHAT NG ORAS. Maaaring maraming magaganda at sexy dyan, ano laban ng 7-month preggy dun. Pero ang makamundong pangangati, mairaraos yan ng wala pang limang minuto. Worth it ba yun para isakripisyo pagmamahalan at katapatan sa isa't isa? Mas ayos na akong gawin yung mga bagay na yun sa taong mahal ko dahil mapapanatag akong wala akong sinasaktang tao dahil sa pagiging makasarili.

Napakahalaga sa aking ng relo na yun pero higit sa lahat napakahalaga sa akin ng bawat oras na andyan sya para sa amin.

Comments

Popular posts from this blog

Saloobin 12

Saloobin 9

Nasaan na ang pagmamahal ko?